Tuesday, December 15, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (141-148)


Paralang sulat ni Tomas Pinpin,

tauong tagalog sa manga capoua niya tagalog na nag aabang magaral nang dilang macagagaling sa canila.

Salamat nang salamat, nang ualan hoyang na pagpapasalamat sa P.N. Dios, mga,y, quina auan niya nitong lubhang daquilang aua niya sa ating masasamang alipin niya sa pagpaguing cristiano niya sa atin, at tayo, y, ipinaquisama sa nitong panginoon nang lahat sa dati niyang manga campong na anac niya bago ia ona, ay uala tayong malaymalay maguin cristiano, at malayo tayong di palag sa caniya.  Salamat nga sa caniya, nang ualan sauang pagpapasalamat.  Caya nga yata manga capatid co ating pasalamatan nang pasalamatan nang ualan hangang pagpasalamat sa caylaliman nang manga loob natin, ang Panginoon nating Dios, na naaua sa atin nang gayon at yayamang naman tayo, y, manga casama na nang manga castilang dating manga cristiano at paran iisa na ang loob natin nila, hamang usa na nga ang puno at paran olo natin lahat na manga cristiyano, ay diyata, magpilit tayong magaral nang canilan manga uica. (1)

-----
(1) Damos á continuación, para la mejor intelligencia, el texto traducido del trabajo de Pinpin.

Carta que envia Tomás Pinpin, hombre tagalog, á sus iguales tagalogs que se afanan en aprender todo cuanto podrá ser un bien para ellos mismos.

Gracias y gracias, incesantes gracias sean dadas á Nuestro Señor Dios, hermanos míos, porque nos ha tenido misericordia de esta misericordia sublime, á nosotros sus malos siervos, haciéndonos cristianos y uniéndonos este Señor de todo á sus antiguos vasallos que son hijos suyos, no teniendo nosotros antes noclón alguna para ser cristianos y estábamos sumamente distantes de El. Gracias, pues, á El. démosie y gracias infatigablemente.  Por eso, pues, hermanos míos, demos gracias y gracias de un sin fin de gracias desde lo más hondo de nuestra vo-

-142-

Di baquin ang ibang manga cáasalan at caanyoan nang manga Castila ay inyong quinalologdan at guinagagad din ninyo sa pagdaramitman at sa nananandataman at paglacadman at madlaman ang nagogol ay uala rin hinahinayang cayo dapouat mamochamocha cayo sa Castila. Ay aba itopang isang asal macatotohan an sapangongosap nang canila ding uica ang di sucat ibiguing camtan?  Bago ualang gogol at mininsang bilhing lamang.  Bancay na nga cayo, con anong dating mag visting Castila ang tauo, con ualan asal asal na tantong icamuchang Castila niya? Caya nga ang ibay, baquit, na cacasti-castila nang pagdaramit na ualang di cacastila ang asal soloual: bago con saca sila dologui,t, paquiosapan nang uicang castila ay totongag tongag na sa hahangal.  Ay condi gayon nga, y, ano? Caya yata cahimat yaong ibang caasalang lahat nang manga Castila, ang maobos namacantam nang isang tauo ay hindirin macapapara dito sa isang ito at di anhin ay ang ibay binibili lamang, at uala mang baet sangsagaman ang tauo, y, dapoat; may pilac ay magcacamit din niyon.  Dapoat, itong camahalang ito, sa pagcaalam nang uicang Castila ay caya lamang macacamtan nang tauo, ay cong siya,y, mabaet at masipag, at caya naman laloring macamamahal sa caniya ito sa maobos niyang ma-

-----
luntad al Señor Nuestro Dios que nos ha tenido aquella misericordia, y ya que estamos en compañía de los españoles que son antiguos cristianos y como si tuviera mos una sola voluntad ellos y nosotros, ya que tenemos un solo jefe que constituye como la cabeza de todos nosotros los cristianos, debemos hacer un gran esfuerzo en aprender su lengua.  Ciertamente es sagrada é imitais algunas de las constumbres y manera de ser de los Españoles, é imitais igualmente haste su indumentaria, hasta su manera de manejar las armas y su andar, y no reparais en gastos con tal de que os parezcais al español.  Si esto es así, más querreis esta verdadera costumbre, deseando que poseais y hableis su propia lengua?  A la verdad ningún gasto teneis, porque se compra por una sola vez.  Sereis semejante al cadáver si vestís como Español para luego no tener las costumbres que os  asemejen al Español?  No querais como los demás que se visten como Español y nada tienen de Español más que su exterior:  si alguien se presenta ante ellos y se les habla en español se quedan como alelados por su ignorancia.  Si no fuera así, sucederá esto?  De esta manera, aunque poseyera un hombre todas las costumbres de los Españoles, no podrá, sin

--143--

camtan yaong ibang lahat.  Bagcos nanga ito ang naguiguing puno nang ibang marami, at paran laman ito, at ang iba,y, cabalat cayohan lamang.  Di con magcamomocha nang tayo nila nang pagdaramit, ay con ang pangongosap ay iba, ay anong darating?

Atcon tayo namany nangagcasasasama nila sa ano anomang guinagaua nating iquinapagsasasama ay con di mangag casosondo nang pangongosap, ay paano nga caya ang gayon, con nagcasasasama man casi nila tayong manga tagalog sa isang sasacyan, ay anong pagcacaalam nang loob con di ipag badya at ipangosap sa bibig nang hayag na magaling na pagbabadya?  Di mangosap man tayo nang sarili nating uica, ay yaon pa ang maalaman nila.  At con cahimat uicaman Castila ang pangongosap natin ay con nag camamali yaong pagcapangosap natin at magcacabalicbalik caya ang pag totoring nang pangongosap, ay maalaman pa cayá ninyo ang gayong pagpangosap?  At sa paglilincod man sa manga Castila nang manga batang tagalog, ay saanpa di magalin ang magcasongdó nang uica, at nang di sila magalit con ang pangongosap nilay di natin maalaman at ang ipinangongosap nila,y, di natatandaan natin.  At con sila,y, omotos, ay hahangalhangal lamang tayo ay mangyayari pang di sila

-----
embargo, igualarse á éste que sabe el habla del Español; por más que dijeran que todo se compra, y por lo tanto no importa ser ignorante y tonto, que teniendo dinero, alcanzará también esas cosas.  Empero, esta distinción de saber la lengua castellana solo consigue el hombre, si el es inteligente y estudioso, y esto le elevará más y más hasta llegar á poseer todos los honores y bienes. Será eto, sin duda, el orígen de otras muchas cosas, puesto que este saber es como la carne y las otras cosas que son como el pellejo solamente.  Si nos asemejamos á ellos en el vestir y luego nuestra habla es distinta qué sucederá?

Si estamos en compañía de ellos en cualquiera cosa que hacemos por la cual llegamos á reunirnos ellos y nosotros si no se habla una misma lengua, qué ha de suceder?  Si estamos los tagalos con ellos en un buque, cómo se ha de entender la voluntad de uno y otro si no se dice y se expresa con la boca, exteriorizándola en palabras bien dichas? Más no nos entenderán ellos si les hablamos en nuestra propia lengua.  Y por más que los hablemos en lengua Castellana, si nuestra manera de hablar no es correcta y llena de equivocaciones, cómo nos entenderán los Españoles?  Y cuando sirven los muchachos tagalogs

--144--

magalit na gayon casama nila? At nang doon naman sa pagcacasama natin, nila sa pangogobat nang manga Bayanbayan ay magcatoto ang lahat, at balang uica nang nagpapasonod na pono, ay tambing maalaman at masonod.

Diyata cayong lahat ay magsipagpilit manga samang magaral nitong uicang Castila, at nang atin maalaman ang pagcacaycayba nang uica.  Cayo nga,y, magosaposap nang uicang Castila, at nang mamihasa ang bibig ninyo.  Ay maliuag man itong mahal na uica, ay houag ninyong catacotang pagaralan, houag din (anaquing) domouag ang loob ninyo; at di alinpa cayang gaua ang di mapagaralan con pagaralan houag loatin?  Di baquin ang langam ay nacararating sa cacaonin ay bahagyana gongmagapang.  Mirad la hormiga que al fin llega á donde vá, aunque apenas se menea.  Ay maanong maliuag man ay saloat danin; condi mararating din ang aha ninyo.  Buen remedio anque sea dificultoso esto, tened tesón y perseverancia y vereis sino salís con lo que deseais.  Di baquin acoy, tagalog mang namimisto mistolo at nagcasaquitman mona niyong bagobago pag nagaaral ay saca aco, y, dong monong din, at maguiguin manga sacsi din nang cadonongan co, itong manga cathacong ito. Y sino vedlo por mi

-----
á los Españoles, es indudable que es mejor que les entiendan en la lengua que hablan, para que ellos no se enojen, si no entendemos su hablar y lo que dicen ellos dejamos de recordar.  Y si ellos nos mandan y nos portamos como ignorantes, no es lógico que ellos so enojen, porque ellos están en nuestra compañía?  Y para que cuando vamos con ellos á sostener combates en los pueblos, es mejor para la buena armonía, que luego entendamos cada palabra del jefe que manda, el cual debe ser obedecido.

Procure, pues, todos estudiar con ahinco esta lengua Castellana, y así sabremos las diferencias de una y otra lengua.  Procurad usar la lengua castellana en vuestras conversaciones, para que así se acostumbren vuestros labios á pronunciarla.  Aunque es difícil esta noble habla, no temais sin embargo, estudiaria, digo que no os amilaneis, porqué no existe nada que no se sepa, aprendiéndolo con ahinco.  Mirad la hormiga que al fin llega á donde va aunque apenas se menea.  Buen remedio es éste aunque sea dificultoso tened tesón y perseverancia y vereis sino salís con lo que deseais.  Y sino vedio por mí que aunque soy tagalo fino aunque tomé trabajo primero cuando de nuevo

--145--

que aunque soy tagalo fino aunque tomé trabajo primero cuando de nuevo aprendía, al fin salí con ello: y serán testigos de ello, estas obras que he compuesto.  At ang pagcatha pa naman manga auit sa Castila ay bistat maliuag din, ay namalaymalayan co na ang iba.  Y aun la composición de las Poesías Españolas, no obstante que es dificultosa tengo algun vislumbre ó noticia de ella.  Maanong basahin ninyo ang nanga rito sa librong ito nang managhili cayo sa aquin, at siyang icasipag ninyong maghanap nang donong na icamamahal ninyo at icaliuanag ng loob ninyo.  Y sino leed los que van aquí en este libro para que me tengais envidia, y eso mismo os haga diligentes en buscar el saber, que os ha de dar valor, y que esclarezca y alumbre vuestros entendimientos.

Ay ang laloring iquinapagpilit nang loob cong tayong lahat ay paraparang macaalam nang uicang Castila, ay ang caloloua natin ay nang maquinabang sa P. Dios nang caniyang manga aua auang marami.  At con banga sasaan man tayo, con casama nang manga castila sa pangugubat, at con baga ualang Padreng marunong nang uicang tagalog ay anong pag cocompisal natin, con cahimat ibig nating magcompisal, con tayo,y di marunong nang canilang

-----
aprendía, al fin salí con ello:  y serán testigos de ello, estas obras que he compuesto Y aún la composición de las Poesías Españolas, no obstante que es dificultosa tengo algun vislumbre ó noticia de ella.  Y sino leed las que van en este libro para que me tengais envidia, y eso mismo os haga diligentes en buscar el saber que os ha de dar valor, y que esclarezca y alumbre vuestros entendimientos.

El motivo porque procuro que todos nosotros lleguemos á poseer el castellano, es para que nuestras almas se beneficien de las misericordias del Señor Dios.  Y en cualquier parte que estuviéramos, si estamos en compañia de los españoles en las batallas, si no hubiese un sacerdote que supiera hablar el tagalog, no sería posible que podamos confesarnos, aunque lo quisiéramos, si no suplésemos su lengua.  Como sucedió á los tagalos y á los pampangos que fueron con los españoles á Maloco, los cuales tuvieron el hondo sentimiento de no poder confesarse por no haber en su companía ningún sacerdote que suplera el tagalog para que pueda confesarles.  Por eso se vieron ellos en la precisión de aprender bisaya, pues ya no podían tolerar que dejasen de aprovecharse de la misericordia de Dios en la confesión. Por


--146--

uica: Di baquin ang manga tauong tagalog at ang manga capangpangang mangagsisama sa manga Castila doon sa Maloco, di ang caralamhatian nang canilang loob, sa uala silang casamang Padreng sucat nilang pagcompisalang marunong magtagalog.  Cayanga sila nangag aral nang uicang visaya sa di na maralita nila yaong caualan nilang paquiquinabangan nang aua nang P. Dios, sa pagcocompisal. Cayanga yata, dito aco susulat nang uicang Castila, con baga ualang Padreng sucat pagcompisalan nang dati nating uica.  Subali hindi co sariling catha itong confesionariong ito condi dating yaring gaua nang isang Padre, at bigay niyang dati sa aquin at siyacong quinoconang dati nang mabubuting uicang Castila at nang madlang aral na dating nacaliliuanag nang loob co: at caya co ipinaquilangcap dito ay nang siya naman ninyong pagaralan yaong dilang sucat itanong sa inyo nang Padre nang uicang Castila sa pagcocompisal con mga bagama,t, manga datiman.

Caya cayong cristiano salamat nang ualang humpay sa ualan sauang nagbiyaya sa atin nang dilan icatotoloy nang manga aua aua niya sa ating manga tauong ualang cabolohan.  Dagragan naua sa dati at nang manga para tayong manga bagong cristianong mahihinang loob sa manga dating campong cris-

-----
eso he escrito aquí en castellano, por si no hubiese un sacerdote á quien hacer la confesión en nuestra lengua.  Pero este confesionario no es hecho por mi, sino por un sacerdote que me lo ha dado, y del cual saco los buenos términos castellanos y los varios consejos que iluminan mi voluntad:  Y por eso he incluido aquí para que aprendais todas aquellas cosas que os pudiera preguntar el Padre en castellano en la confesión, ya nuevos padres ya antiguos.  Debemos, pues dar los cristianos incessantes gracias á Dios que nos ha dado á nosotros los hombres indignos la gracia de poder obtener su misericordia.  Que nos aumente su gracia á nosotros los nuevos cristianos débiles de voluntad que nos ha reunido á los vasallos del Señor Jesucristo de valerosa voluntad, respetuosos y obendientes á El. Amen.

Y para que no os sea dificultoso leer esta señal consignaré aqui su significado.  La significación de esta señal C*, es decir aquella palabra de cual sigue esta señal * y aquella que le siga después, tiene una sola significación, de manera que se puede escoger una de las dos palabras y usar la que se quiera, puesto que su significado es una sola.  Así también esta señal en tagalog, como por ejemplo: esto

--147--

tianong mahinang loob sa manga dating campong nang P. Jesu Cristo matatapang na loob at inaga lagin at masonorin sa caniya. Siyanaua.

At nang di ninyo pagcaliuagan nang pagbasa nitong ganitong tanda * ay isulat co mona dito ang cahologan nito.  Ay ang cahohologan nga nitong tandang ito, C* sa macatuid ay yaong uicang sinosondan nitong tandang ito at yaong somonod doon ay siya din at balang maibig piliin doon sa dalaua ay mang yayaririn:  yayamang singayon din, at sa isa din na ooui yaong magcacasonod  Diyata, siyarin itong tandang ito nitong uicang tagalog caya con baga ang uica, ito caya,t, yaon caya at ganito caya,t, gayon at ang dilinga sasala alin man doon sa dalaua ang magamit naipangosap.

Aba-tayo na manga sama at mangag sipagaral na cayo:  at cahimat may caliuagliuagan, ang pagaaral nito, ay houag ding panlimamaran at inyong panatilihan din con di magsisirunong din cayong marali.  Ay ano, baquin ang ibang manga tauong capoua natin tagalog ay silay maralan co nitong manga catha catha cong ito ay di na taonan ay magsialam na ang dami nang naalaman nila.  Caya nga, sa matanto co yaong canilang caronongan, na dito rin sa mga gawa cong ito napaquinabang nila ay aco, y matoua ngani at mangbanta na acong isalimbagan itong madlang aral: nang paraparang magsipaquinabang itong madlang aral: nang paraparang magsi-

-----
pues, ó aquello pues: de esta manera ó de aquella manera; cualquiera de estas palabras indudablemente tendría que ser usada.

Ea, pues, compañeros, estudiad, no tardeis en poneros á estudiario aunque sea algo dificil; sed constantes y sereis pronto sábios. He consequido que personas tagalas como nosotros, lleguen á saber el castellano antes de un año por medio de estas composiciones mías.  Por eso al ver lo que ellas han llegado á saber, gracias á estos trabajos míos de los que se aprovecharon, he sentido gran placer y he pensado en imprimir estos estudios, á fin de que todos se aprovechasen de ellos; para que todos vosotros que os afanais en conseguir honor os aprovecheis, y tan grande es mi alegría que no puedo resistir en satisfacer mi deseo de


CANTAR

--148--

paquinabang nito cayong lahat na nag acalang magsicap nang camahalan at dili aco nacabata, na di aco nag auit nang gayon


Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (135-140)

Panimula ng nagsaayos

Sa post na ito ay iseserye ko ang buong "Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla" ni Tomas Pinpin (1610) na batay sa kopyang nakalakip sa "La primera imprenta en Filipinas" (Artigas y Cuerva, 1910, 135-359).

Tapos ko nang iteklado ang buong aklat, at kasalukuyan kong pinu-proofread ito.  Natagpuan ko na batbat ng tipograpikal na mali ang kopya sa "La primera imprenta".  Maliban pa rito ay malabo ang facsimile na ginagamit ko kaya maaaring nagdagdag pa ako ng mga pagkakamali.  Ang ilan sa mga pagkakamali ay sumusunod:

  • Mukhang ang asterisk (*) na kumbensiyon sa alternatibong kataga ay isinulat na ekis (x) sa ilang parte ng dulo ng teksto
  • Ang n, b at h ay mukhang nagkakapareho pag malabo ang titik.
  • n, at u ay minsang nababaligtad sa orihinal.
  • d, b, at p ay minsanan ding nababaligtad sa orihinal.
Ang pinakamahusay na paraan para matiyak ang "reliability" ng post ko ay ihambing ito sa kopyang nakalakip sa "Arte y reglas de la lengua tagala" ni Francisco Blancas de San Jose (c.1614)

Narito naman ang ginamit kong kumbensiyon sa mga hindi mabasang titik at espesyal na titik.

  • Ang # ay ginamit kong kumbensiyon para sa hindi ko mabasang titik.
  • Hindi ko na ginamit ang n~g para sa nga at ginamit na lamang ang kasalukuyang ng para madaling basahin ang teksto.  Ang ~g ay ang pinakamalapit sa may kilay na g sa orihinal.  Walang ganitong font sa kasalukuyan.
Tala (Disyembre 15, 2009, umaga): May g+tilde palang titik na lumalabas sa Linux.  Ito ay nasa Guaraní na wika at puwedeng iteklado sa pamamagitan ng Guarani na keymap sa yudit.  Halimbawa: g̃ G̃.  Sa palagay ko makagagawa ako ng simpleng kmap para magamit sa pagteklado ng mga aklat na nasa abakada.  Kaya lang, ibig sabihin nito ay kailangan kong iteklado muli ang teksto...:-(.  

Tala(Disyembre 15, 2009, hapon): Nagawa ko na ang Abakada.kmap para sa Yudit, puwede nang magtype ng g̃, tingnan sa http://ugnay.blogspot.com/2009/12/abakadakmap-para-sa-yudit-puwede-nang.html. :-D

    Ang aklat na ito ni Pinpin ay hindi lamang aklat na nagtuturo ng wikang Kastila o aklat tungkol sa paraan ng pagkukumpisal, kundi isang mayamang batis para sa mga nagsasaliksik ng kasaysayan ng mga Tagalog.  Masasalamin dito ang pag-iisip ng isang salinlahing nagbabago ang kultura.  Aking muling inilalathala ito sa Internet sa pag-asang makatulong sa mga mag-aaral ng kasaysayan.

    Roel Cantada
    Disyembre 15, 2009
    Kabite, Pilipinas


    Sanggunian

    Pinpin, T. (1910).  Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla.  Sa Artigas y Cuerva, M. (Ed.), La primera imprenta en Filipinas, pp. 135-359. Manila: Germania.  Ang orihinal ay unang inilathala noong 1610 sa Bataan.



    Ang aklat

    --135--


    LIBRONG PAGAARALAN
    nang manga Tagalog nang uicang Castilla.

    LIBRO EN QUE APRENDAN
    los Tagalos, la lengua CAstellana.

    GAUA ITO NI THOMAS
    Pinpin, tauo sa Bataan.

    HECHO POR THOMAS PINPIN,
    natural de Bataan.

    PUSO TAMBIEN AQUI EL AUtor para el mismo fin que él pretende un interrogatorio para confession compuesto en ambas lenguas Tagala y Española por el Padre Fray Francisco de San Joseph, fué examinador; y dio sele licencia por los superiores.

    En Bataan por Diego Talaghay
    Impressor de Lib. Año 1610.

    Manila, 1910

    --136--

    (blangkong pahina)

    --137--

    Por mandado del Señor Gobernador Capitan General y Presidente de estas Islas, yo Fr. Roque de Barrionuevo, Prior del Convento del santisimo nombre de Jesús de Tondo, de la orden de N.P.S. Agustin, ví y examiné con advertencia este libro intitulado, Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castila, que en nuestro castellano, quire decir;  libro en que aprendan los tagalos, la lengua Española, compuesto por Thomas Pinpin Tagalog, y en él no hay cosa, que sea contra nuestra fé y buenas costumbres;  antes contiene muy buena lengua, estilo y doctrina muy provechosa así para los mismos Tagalos como para Religiosos principiantes en lengua tagala y es mucho de estimar por ser su autor un natural tagalog.  Por lo cual su señoria podrá dar licencia al autor, para que le immprima y saque á lus porque con ésta merced se animará el dicho á hacer otras cosas mayores con que se aprovecha á los demás. Que es fecha en tondo á 8 de Abril de 1610.

    Fray Roque de Barrionuevo.

    --138--

    (blangkong pahina)

    --139--

    Don Juan de Silva, Caballero del habito de Santiago, Gobernador y Capitan General de las Islas Filipinas y Presidente de la Real Audiencia de ellas.  Por cuanto por parte de Thomas Pinpin tagalo me ha sido fecha relación que tiene hecho un libro, que se intitula, arte en que aprendan los tagalos la lengua Española, el cual está examinado por el Padre Fr. Roque de Barrionuevo, Prior del Convento de Tondo y para que haya copia del dicho libro en todas estas Islas, me pidió licencia para imprimirlo.  Atento á lo cual doy licencia y facultad á cualquier impresor de estas islas, le puedan imprimir sin incurrir por ello en pena alguna y cada uno de los dichos libros en papel se tase á cuatro reales y no lleve más.  Dada en Manila á catorce de Abril de 1610 años.

    Don Juan de Silva.

    --140--

    (blangkong pahina)

    Monday, November 9, 2009

    Kakatwang sinaunang paraan nang pagbilang ng mga Tagalog

    Noong Mayo 2005 ay napansin ko ang kakatwang pagbilang ng mga Tagalog na natala sa mga matatandang vocabulario at arte.  Sabi ko nga,

    ...sa mga aklat ni Tomas Pinpin (1610) at Gaspar San Agustin (1879) ay may kakatwang pagbibilang ang mga matatanda na naitala. Ito ay pagbilang na lampas sa dalawampu. Ayon sa kanila ay ganito raw:

    • May catlong isa = 21
    • may catlon dalaua = 22
    • may catlon tatlo = 23
    • may catlon apat = 24
    • maycatlon lima = 25
    • maycatlon anim = 26
    • maycatlon pito = 27
    • may-catlon ualo = 28
    • maycatlon siyam = 29
    • tatlong pouo = 30
    • Maycapat isa = 31
    • maycapat dalaua = 32
    • may capat tatlo = 33
    • may capat apat = 34
    • may capat lima = 35
    • may capat anim = 36
    • maycapat pito = 37
    • maycapat ualo = 38
    • maycapat siyam = 39
    • apat na puo = 40
    • Maycaliman isa = 41
    at gayon nang gayon...

    • labi sandaan isa = 101
    • labi san-daan dalaua = 102
    at gayon nang gayon...

    Hindi ko masasabi kung ito nga ang karaniwang paraan ng pagbilang noong 1600 siglo. Pero makikita sa aklat mismo ni Pinpin na sinalungat niya ito nang gamitin niya ang "apat na daan at anim na pouo at ualo" para sa 468 (1610, p.162). Gayundin sa vocabulario nina Noceda at Sanlucar (1860), ang veintiuno ay isinalin na "Dalauang pu, t, isa", veintidos ay "Dalauang pu, t, dalaua", at gayon nang gayon.

    Ang hindi ko alam ay tinangka na palang ipaliwanag ni Jean-Paul Potet ang kakaibang paraan ng pagbilang na ito sa kanyang monograp na "Numerical expressions in Tagalog (1992)".

    Paliwanag ni Potet

    Ayon kay Potet ang sistema ng pagbibilang na ito ay mauunawaan sa pamamagitan ng paliwanag na pang-alhebra.  Hinati niya sa dalawang pangkat ang mga salita na pamilang.  Ang mga pamparami at pararamihin.  Ang mga pamparami ay ang mga bilang mula isa (1) hanggang siyam (9). Ang pararamihin ay ang sumusunod na lakas ng sampu:

    • 10 pu/pouo(puwo)/pulo
    • 10e2 daan
    • 10e3 libo
    • 10e4 laksa
    • 10e5 yuta
    • 10e6 angaw
    • 10e7 káti
    • 10e8 ?
    • 10e9 gatós

    Ang dalawang pangkat daw ng bilang na ito ay pinagdurugtong ng pang-angkop na "ng" at ibang anyo nito (tandaan na ang "-ng" ay nagiging "m" kapag ang kasunod nitong tunog ay nagmumula sa labi {p,b, at m}, at "n" kapag ang kasunod na tunog ay mula sa ngipin {t,at d} at gilagid {s, at l}). Ang mga simbolong ginamit niya sa pagpapaliwanag ng pagbubuo ng pamilang na kataga ng mga sinaunang Tagalog ay:


    • m = pamparami
    • L = pang-angkop
    • M = pararamihin


    Halimbawa:

    tatlong daan at apat na pu't dalawa
    (m + L + M) at (m + L + M) at 2

    Sa itaas ang tatlo(3)/apat(4) ang pamparami(m), -ng/na ang pang-angkop(L), at daan(100)/pu(10) ang pararamihin(M). Samakatuwid sinasabi niya na ang balangkas ng modernong paraan ng pagbilang ay m + L + M.  Ayon din kay Potet ang paggamit ng "at" ay ginaya lamang sa mga Kastila.  Halimbawa 342, tres cientos y cuarenta y dos.  Dito na nagkatalo ang bago at sinaunang pagbilang.  Ang 342 sa sinaunang pagbilang ay maikapat na raan maikalimang dalawa.  Ang "mai=" ay binibigkas na "may".

    Pero bago natin busisiin ang sistemang ito, sinabi ni Potet na ang mga bilang mula labing-isa hanggang labingsiyam ay kapareho ng sinaunang sistema.  Gayunman sa lumang sistema maging ang ibang pinararami na lakas ng sampu ay gumagamit nito kapag ang pamparami ay isa.  Halimbawa:


    • labi sa raan isa (101)
    • labi sa raan sangpuo (110)
    • labi sa raan labing isa (111)
    • labi sa laksa apat na libo (14,000)


    Pero kapag daw ang pamparami ay mula dalawa(2) hanggang walo(8) dinaragdagan ito ng isa.  At ginagamit nito ang maika- bilang unlapi.  Halimbawa:


    • maikatlong daang siyam (209)
    • maikapat na laksang labi sa libo pitundaan (31,700)


    Kapag daw ang pamparami ay 9, ay lumalakas ito ng isang hakbang. Alalaong baga kung ang eX ay ang lakas ang istruktura ay maika-9*MeX+1. Halimbawa:


    • labi sa raan maikaraan ng tatlo (193)
    • maikalibo ng walo (908)


    Aaminin ko na pagkatapos ng paliwanag na ito, hindi ko na maunawaan ang algoritmong iminumungkahi ni Potet para maipaliwanag ang sistema.  Pero para sa akin ay mas madaling maunawaan ang sistema kung pagbabatayan ang sinipi niyang ulat ni San Antonio (1738 [isinalin ni Picornell noong 1977] sa Potet, 1992) na nagtutuos ang mga Tagalog sa pamimigitan ng maliliit na bata, tapos ay isinusulat ang resulta sa salita sa pamamagitan ng baybayin.


    Sang-ayon dito ang binanggit ni T.H. Pardo de Tavera (1889) na:

    Gumagamit sila ng anumang patpat/tinting para sa mga operasyong ito, na kakaunti ang alam ko at hindi ko alam ang anyo, ni kung paano ito ginagamit at ang tanging alam sa mga ito ay ang mga tawag dito sa ilang wika: sa Tagalog olat; Pampangan, "kalakal"; Ilocano, "rupis" (Pardo de Tavera, 2005). Tinagurian ding gárong (Laktaw, 1914, p.255) at úlat/olat (Laktaw, 1914, p.1344; Noceda & Sanlucar, 1860, 989) ang mga patpat na ito.

    Biswalisasyon ng sinaunang sistema ng pagbilang

    Mas madali kong maunawaan ang sistema kung isasalarawan nating ang posibleng paggamit nila ng mga gárong o maliliit na bato.  Sa kaso ng pulo-pulong set, alalaong baga'y bawat set ay may sampung elemento na binubuo ng 1..10.  Kaya,

    P(para sa Pulo) = {1,2,3,4,5,6,7,8,9,10}

    Halimbawa ay tatlumpo (30):


    Halimbawa ay labing isa (11):



    Halimbawa ay maykatlong isa (21):



    Alalaong baga'y ang maykatlong isa ay nangangahulugan ng may dalawang buong set at may binubuong ikatlong set na may elementong isa.

    Halimbawa ay maykaraang dalawa (92):



    Alalaong baga'y ang maykaraang dalawa ay nangangahulugan na bumubuo na ng ikasampung pulong set na may dalawang elemento lamang bago mabuo ang isandaan.

    Kapag tumaas na sa isandaan ay daan-daan muna ang pagtukoy sa set bago sampu-sampu.  Halimbawa:

    Halimbawa ay labi sa daan maykalimang tatlo (143):



    Na ang ibig sabihin ay labis sa set na isang daan, may limang set ng sampu na ang ikalima ay may tatlong elemento pa lamang.  Madali na ngayong ipagpatuloy ito.

    Halimbawa ay maykatlong daan siyam (209):



    Alalaong baga'y may tatlong tig-isandaang set, na ang ikatatlong set ay siyam pa lang ang laman.
    Kaya ang halimbawa ni Potet na maykayuta ng maykapitong libo ng labi sa raang may maykasiyam na lima (96,185) ay may binubuong isang yuta na siyam na laksa pa lamang ang laman, at ang pangyutang laksa ay may laman pa lamang na bumubuo ng pitong libo, na anim na libo pa lamang ang buo, at ang ika-pito ay may laman pa lamang na isang daan, at labis na binubuong siyam na pulo pero ang ika-siyam ay lima pa lamang ang laman.

    Mayroon akong hinala na may kinalaman ang larong sungka sa pagpapaunlad ng sistemang ito ng mga Tagalog, pero hindi ko pa matiyak ang kaugnayan.  Kailangan pa ng dagdag na pag-aaral ng sistemang ito ng pagbibilang.




    Sanggunian

    Cantada, R.P. (2005). Pagbilang sa wikang Tagalog. Kinuha noong Nobyembre 9, 2009, sa http://matangdilis.moodle4free.com/mod/resource/view.php?id=49.

    Laktaw, P.S. (1914). Diccionario Tágalog-Hispano. Manila: Santos y Bernal.

    Pardo de Tavera, T.H. (2005). Consideraciones sobre el origen del nombre de los números en Tagalog (T. I Camacho, P. Somoza & PG Distributed Proofreaders, Eds.). Project Gutenberg. (Ang original na gawa ay inilathala noong 1889). Kinuha noong Disyembre 29, 2005 sa http://library.beau.org/gutenberg/1/5/7/5/15757/15757-h/15757-h.htm.  Cantada, R.P. (Tagasalin) kinuha noong Nobyembre 9, 2009, sa http://matangdilis.moodle4free.com/mod/resource/view.php?id=51.

    Pinpin, T. (1610). "Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla". sa Artigas y Cuerva, M. (1910), "La Primera Imprenta en Filipinas". Manila.

    Potet, J.G. (1992). Numeral expressions in Tagalog. Sa Archipel, 44 (1), p.167-181. Kinuha noong Nobyembre 8, 2009, sa http://www.persee.fr/web/revues/home/prescript/article/arch_0044-8613_1992_num_44_1_2860.

    Noceda, J., at Sanlucar, P. (1860). "Vocabulario dela lengua Tagala". Manila: Ramirez y Giraudier.

    San Agustin, G. (1879). "Compendio del arte dela Lengua Tagala". Manila: Amigo del Pais.

    Lisensiya