Wednesday, December 16, 2009

Abakada.kmap para sa Yudit, puwede nang itype ang g̃




Abakada.kmap at Abakada2.kmap

Idownload sa: http://www.mediafire.com/file/njmnnygwyim/ABAKADA.zip

Pagbabago Dis. 24, 2009: http://www.mediafire.com/file/iminzymnkdg/ABAKADAver2.zip (6.05 kb)


Kung nagtiteklado kayo ng mga lumang aklat na Tagalog ay makakatulong ang mga kmap na ito para sa Yudit unicode editor.  Kakailanganin mo ang mga kmap na ito upang maiteklado nang maalwan ang mga sumusunod na titik:

  1. mga titik na may diacritic:  á à â Á À Â é è ê É È Ê í ì î Í Ì Î ó ò ô Ó Ò Ô ú ù û Ó Ò Û
  2. enye o may tildeng en: ñ Ñ
  3. lumang pagsulat ng "ng" na "ng̃", o may tilde/kilay na g:  g̃ G̃
  4. long-s na ginagamit sa mga lumang aklat: ſ

Sa Abakada.kmap una ang letra bago ang diacritic.  Hal. a' para sa á (Latin small letter a with acute).  Maiteteklado ang long-s sa pamamagitan ng s~.

Sa Abakada2.kmap una ang diacritic bago ang letra.  Halimbawa 'a para sa á (Latin small letter a with acute).  Sumusunod ito sa kumbensiyon ng USA international na keyboard layout. Maiteteklado ang long-s sa pamamagitan ng ~s.

Gamitin ninyo ang mas maalwan para sa inyo.

Saan makukuha ang Yudit

Ang Yudit ay isang unicode text editor na maida-download sa http://www.yudit.org/.  Kung gumagamit ka ng Ubuntu GNU/Linux ay iteklado lamang sa terminal ang:

sudo apt-get install yudit

Pag-install ng mga kmap sa Yudit sa Ubuntu GNU/Linux

Kung para lamang sa sarili lamang ay kopyahin ang "Abakada.my" o "Abakada2.my" sa ~/.yudit/data/ . Kung para sa lahat ng gumagamit ng kompyuter, kopyahin sa /usr/share/yudit/data .

Sa Yudit iklik ang Input at palitan ang isa sa mga hindi ginagamit na keymap ng  Abakada o Abakada2.  Piliin ang "default" font.  Ang ibang font ay maaaring magbunga ng hindi paglitaw ng ilang letra.


Babala

Huwag gagamitin ang USA ALternative international (former us_intl) o USA International (with dead keys) na mga keyboard layout dahil magugulo ang mga diacritic sa Yudit.  Kung ginagamit mo ang mga keyboard layout na ito ay pumunta sa System->Preferences->Keyboard->Layouts tab .  At piliin bilang default ang USA.


Pagbabago

Disyembre 24, 2009: Idinagdag ang q̄, maliit na q na may combining macron o sa unicode ay q + U+0304.  Ang ibig sabihin nito ay que.  Matatagpuan ito sa mga lumang aklat na Kastila tulad ng diksiyonaryo nina Noceda at San Lucar. Idownload sa  http://www.mediafire.com/file/iminzymnkdg/ABAKADAver2.zip (6.05 kb)



Lisensiya ng mga kmap


Ang Abakada.kmap at Abakada2.kmap ay copyright in Roel P. Cantada (2009) at inilalathala alinsunod sa GNU General Public License ver. 3.

Idownload sa: http://www.mediafire.com/file/njmnnygwyim/ABAKADA.zip

Pagbabago Dis. 24, 2009: http://www.mediafire.com/file/iminzymnkdg/ABAKADAver2.zip (6.05 kb)

No comments:

Post a Comment

Lisensiya