Wednesday, December 16, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (189-191): Kabanata 5, Aral 5

Nauna (187-188:Kab.5.Aral.4)

--189--

ICALIMANG ARAL

Con ang gaua nang tauo na di pa niya guinagaua cun di ang gagaoin pa ang ibig sabihing ay ang idorolo sa uicang yaon ay are, at ere, caya at ire, caya; con baga ang gaua niyon ding tauong nangungusap ang sinasabi; sa macatouid ang manga uicang dinoduluhan nang are; ay para nito; aco'y tutulong, yo ayudaré, pagyayamanin co, lo aderezare, puputlin co, lo cortaré, doon aco malilicmo, alli me asentaré; mamaya magtindig aco, luego me levantaré.

Ang iba naman ay nanga dorolohan ng eré, aco ang tatahi nito, yo coseré esto, hahabihin co ito, tejeré esta, ilalatag co yaon, estenderé aquello, aquing matatalo din, venceré lo sin falta etc. Ang iba naman ay nangadorolohan ng iré; aco,y, padoroon, yo iré, dili co babaliquin ang uica co, no me desdiré, papanhic aco, subiré, susulat aco, escribiré, sisirain co ito, destruiré esto; datapoua,t, alin alin man dito sa tatlo ang idulo ay pacatigasin din ang pag turing; at bauat di gayon ay sira na at iba na ang cahulugan; hindi nga magaling ang pacadalangin ang pagturing nitong mga uica sa guitna cundi tuloy ding biglain ang pangungusap at sa duloy pacatigasin.

Con ang gaua ng capoua tauong pinaquiquiusapan ta ang canilang sinasabi ay ang idorolo doon sa uicang yaon, ang sa iba,y, arás at ang sa iba,y erás at ang sa iba,y, irás; datapoua con ang capoua tauong di caharap ang sinasabi at caharap man ay dili siyang pinaquiquiusapan ay yaon ding mga catagang yaon ang maguiguin dulo datapoua,t, papayiin ang s, at parapa ding pacatitigasin ang dulo para niyong naunang nasaysay ngayon; halimbaua; icao ang tutulong, tu ayudarás, ihahatid mo ito bucas, llevarás esto mañana, cailan mo bubuhatin ito, cuando levantarás esto; aaralan mo siya, enseñaraslé, titingnan mo, miraslo; at ang ibay nanga dorolohan ng irás; ito ang ipangungusap mo, esto lo dirás, tatangapin mo, lo recibirás, sisirain mo, lo destruirás; pagbabahaguinin mo, lo repartirás; paglilingcuran mo, le servirás de criado, susundin mo, lo seguirás etc. At ang iba naman ay nanga dorolohan ng eras; tatahiin mo, lo coserás, cacanin ca, comerás, iinum ca, beberás, magsasaoli ca, volverás, malalaman mo ito, lo entenderás esto, babasahin mo,

--190--

lo leerás, lolotoin mo, lo cocerás, hihigopin mo, lo sorverás. Ay itong lahat sampo ng iba pang mga camucha nito ay nangatatapat din sa tauong di quinacausap con payiin yaong s, sa dulo; halimbaua; Yaon ang tutulong, aquel ayudará, ito ang tatahi, este coserá; ito ang maguiuica este lo dirá. Datapoua,t, con dalaua catauo at marami caya sa dala ang nangungusap, na ang uica haga sa tagalog, ay tayo at cami, caya ay ualan salang dorolohan ng uicang yaon ng emos, at con dalaua catauo at marami caya sa dalaua ang quinacausap ay ualang salang dorolohan ang uicang yaon ng eis, at con ang gaua ng mga di quinacausap ang maibig turan ay ang ibay nadorolohan ng aran, pisanin cong ipaghalimbaua itong tatlong bagay na uica; tayo ang tutulong, nosotros ayudaremos, cayo ang tutulong, vosotros ayudareis, sila ang tutulong, ellos ayudarán; tayo ang magcacanta, nosotros cantarémos; cayoy magcacanta, vosotros cantareis; sila ang magcacanta, ellos cantarán; cami ang padoroon, nosotros iremos, cayo ang padoroon, vosotros ireís, sila ang padoroon ellos irán; cami ang sasaguan, nosotros remaremos, cayo ang sasaguan, vosotros remareis, itong mga tauong ito ang sasaguan, estos hombres remarán; datapua,t, pacatigasin ang dulo nitong dalauang uicang aran at iran, hamang cong maralang at malambot ang pagtuturing ay iba na ang cahologan; caya nga itong lahat na ipinacatitigas ay natatandaan niyong ga cadlit sa ibabao.

Datapoua,t, may ibang manga wica, di man marami na di manga kabagay nito nang pagturing bago siyang maralas ipinangungusap; di baquin nga itong uica; acoy paririto, yo vendré, icao ay paririto tu vendras, yaon ay paririto, aquel vendrá, tayo,y, paririto nosotros vendremos, cayo,y, paririto, vosotros vendreis, silay paririto, ellos vendrán; gayon naman itong wican labas, salir; yo saldré, tu saldraś, aquel saldrá, nosotros saldremos, vosotros saldreis, aquellos saldran. At ito namang uicang may tener, con baga ang uica, balang may guinto aco, sa macatuid ay magcacaguinto at magcacaari caya at magcacamit ng balang na; yo tendré, tu tendrás, aquel tendra, nosotros tendremos, vosotros tendreis, aquellos tendrán.

At ito namang uicang itong aalam at macaaalam caya; yo sabré, tu sabrás, aquel sabrá, nosotros sabremos, vosotros sabreis, aquellas sabrán. At ito namang uicang va-

--191--

ler, caya nga con mamamahal ang balang na ay ang uicay valdrá más ó valdrá mucho.

Nauna (187-188:Kab.5.Aral.4)

No comments:

Post a Comment

Lisensiya