--235--
May maraming maraming uicà sa castila na con yaon ang idaiti sa canila itong catagang uicang des, ay anoanoman ang dating nacacahulugan niyong manga uicang yaon ay lubhang nagcacaiba, at dili nagcacaiba lamang cundi nababalic na totoo at ang caauay (con baga sa caauay) nang dating cahulugan ay siyang naguiguin cahulugan nila. Maaalaman din ninyong ualang bahala ito con maghalimbaua aco nang manga ilan?
Hacer, gumauà; datapoua,t, con yaong uicang yaong hacer ay samahan sa punò nitong catagang des, ay hindî na gumauà ang cahulugan, cundi bagcus ang cahulugan ay sirain ang gauà. Decir, mangusap; desdecir, baliquin ang ipinangusap. Enterrrar, magbaón: desenterrar, hocayin ang ibinaón. Pegar, magdiquit nang balangna, despegar pacnitin ang nadiriquit; coser, tomahî, descoser, tomastas nang natátahî, cargar, mag atang, descargar, mag ibis, techar, mag bobong, destechar, tastasin ang bobong, mandar, umutos, desmandar, isauay ang iniutos, embarcar, sumacay, desembarcar, magahon; empeñar, sumanla, desempeñar, tobsin ang sanla; enredar, golohin ang balang na, desenredar, saysayin ang nagugulo; aliñar, magligpit, desaliñar, iualat ang inaligpit, at gayon naman ang componer at ang descomponer. Ceñir, magbabat, desceñir, calaguin ang babat, armar; magsandata, desarmar, calaguin ang sandata; embocar, masoc sa uaua, desembocar, lumabas sa dagat;
--236--
plegar, magticlop, desplegar, bucadcarin ang natiticlop; botonar, icauit ang cansing, desbotonar, calaguin ang cansing, emparejar, pagpantayin con ang lupà caya,t, ang balang na, desemparejar, sirain ang pagcacapantay; cubrir, tacpan, descubrir, bucsan ang natatacpan ano man yaon; embriagar, langohin ang tauo, desembriagar, palinauin ang loob ó pauiin ang calangohan, atinar, natototo, desatinar, totoligtolig na ualang pagcatoto; enseñar, umaral nang balang na, desenseñar, umaral nang icapapaui niyong iniaral; aficionar, nauiuili, desaficionar, umilap ang loob; dorar, maghibò nang guintò desdorar, alisin ang inahibong guinto; concertar, con baga ang nagtotongo ay nagcayari, desconcertarse, nagcaualà; embarazar, mag doon nang nacasusucal, desembarazar, maghauan; lucido, maquinis, deslucido, namagpag ang quinis; igual, capantay, desigual, di capantay; semejante, camucha, desemejante, di camucha.
May tongmanong din naman sa aquin con ano cayà ang casaysayan nitong uicang castilang con, at ang maralas din namang nadiringig natin na bahagya man mangusap ang castila ay calangcap din itong catagang ito.
Ang dilan iguinagauà nang tauo nang balang na ay hindi masasaysay cundi itong uicang itong con, ang isama. Anong iguinagaua mo nito? con que hiciste esto? Alin cayang panulat ang isinulat mo nito, con que pluma escribiste esto? Itong palacol ang ipinutol co niyon, con esta hacha corté aquello; itong soplina ang inihampás sa caniya, con esta diciplina lo azotaron; ano cayang uicain co sa caniyang iamòamò, que palabra le diré con que ablandarlo ó amansarlo; ualâ acong ipagmimisa, no tengo con que decir misa; anong ipinatay mo sa caniya, con que lo mataste; ito ang itali mo diyan, con esto lo puedes atar, ó atalo con esto; may ibibili ca caya nang patos, tienes con que comprar zapatos; may doon din aco, bien tengo con que.
--237--
Subali may iba namang cahulogan itong uicang itong con, ay lubha ngan caraniuang turan sa pagsasama nang tauo at nang balang na. Isama mo itong sulat diyan sa isa, pon este libro con ese, sasamahan cata, iré contigo, sinong sasama sa aquin, quien ha de ir conmigo, sinong doroong casama niya, quien estaba con él. At cayà naman itong manga uicang ito casama calarò, causap at ang ibang ganganito ay maralas nacacatuturan sa castila nito ding uicang con.
Si Pedro ang casama co sa daan, con Pedro iba yo en el camino; sinong cainom mo, con quien bebiste; sinong caauay mo, con quien reñiste; sinong casugal mo, con quien jugaste; sinong calarò mo, con quien holgaste; sinong cabaca mo, con quien peleaste; sinong causap mo, con quien trajiste pleito; con baga ang gauang nagagaua ang sabihin; ay con ang gauang guinagaua ngayon ang sabihin naman ay di yatà con quien te huelgas, con quien bebes, con quien juegas, etc. Nasaysay na yaon na icalimang cabanata.
Sucat na,t, itahan co na itong gaua cong ito bista,t, marami pa ang manga uala dito niyong ibang maliliuag na sucat maibig din naman ninyong pagaralan anhin ang ibig co monang pagmasdan ang loob ninyo con maiibig cayà ninyo ito,t, con dili cayà. Subali con anhin anhin man ninyo, ay anong maalaman co pa sa inyo; datapoua,t, maibig naua,t, lingonin nang Panginoong Dios. Cayà yatà ang lahat na manga Santos na nanga sa langit ay parapara cong pinipintacasi sa Panginoong Dios na nilang ipaquiusap sa caniya ito mang gauang ito at ang lahat co mang gauà, at na niyang maibig amponin ualà mang icadarapat na icaibig nang alin mang gauà nitong tauong macasalanan. Ay ang bucod cong quinauiuilihang pintacasinin nang pagaampon dito sa gauang ito ay yaong coholiholihang Santong
--238--
ipinaquiquibilang nang Santo Papa sa manga Santos na si San Raymundo ang ngalan; at ang alaala co,y, saan pa di (anaquin) caaalangalanganan din nang Panginoong Dios nang balang manang hingin sa caniya nitong Santong ito, yayamang siya nga ang naholing napahayag na natantong catoto siya,t, calapitan nang Panginoong Dios, at con baga sa tauong magcacapatid ay siyang pinacabunsò ngayon, at di ang datnin pa,y, ang di calogdan. Cayà yatà hahayinan co siya ngayon nang isang munting auit hamac man ay puri nga ito doon sa paglalayag niyang yaon caguilaguilalas na iquinapagcamamanghan nang lahat na tauo magpasaan saan man.
Sa isang cutà, en un fuerte, ang bantay, la centinela, may natanao, ha descubierto, isang layag, una vela, todo el pueblo, ang sangbayanan, sa pangpang, en la ribera, nagcapisan, se han juntado, manood, á ver lo que era, daong dao, na may layag, navío dicen con vela, si tulin baga nang dauong ó que brava ligereza, nang maquita sa malapit, cuando le vieron de cerca, si San Raymundo pala, el gran San Raymundo, era, longmauig na, tomó puerto, at nag ahon, saltó en tierra, nangatotoyò ang damit, toda su ropa está seca, sa cacaban man ding dati, como si en la arca estuviera, bagsic bapa nang Dios, ó Dios, grande es tu potencia, nangguilal s ang lahat, todos admirados quedan, at ualan di gongmagalang, todos le hacen reverencia, tongmoloy na sa Simbahan, camino vá de la Iglesia, ay nagcabacas din nga, y quedan de él claras huellas, manga gauang daraquilà, grandes y estrañas proezas, naca pagcacamamanhan, que muy grande asombro diera; napipindan man ang pintò, aunque cerrada la puerta; nasoc na ualang bahalà, sin dificultad se entra; salamat nang ualang hangan, gracias se den sempiternas; sa nagpapapaguing Santo, al que Santos hace y premia.
Nauna (232-235: Kumpisal 10)
No comments:
Post a Comment