Wednesday, December 16, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (181-184): Kabanata 5, Aral 1


--181--

ANG ICALIMANG CABANATA


Madla man ang quina papacanan nitong nanga isulat na mag pa ngayon, ay laloding madla ang manga isusulat dito sa cabanatang ito, subali, lalo ding maliliuag ay anhin ang datingang lalong maliuag macamtan ang lalong mahal. Caya yata, mag pan laan cayo nang bait at con ga mangyayaring daragdagan ay dagragan din at maca colangin.

NA UNANG ARAL.

Con ibig turan ang gaua nang tauo, na caniyang guinagaua ngayon sa macatouid ay hindi ang guinagaua niya cangina at ang guinagaua caya niya sa ibang arao at dili naman ang gagaoin pa, cundi ang caniyang guinagaua ngayon, ay ualan natatantong idorolo doon sa uicang yaong castila at ano man ang bantain ay uala din iaaral na macasaclao doon sa marami, at ang bagay bagay nga at lubhang nagcalalayo cundi ang sucat lamang maguin aral dito ay con gaua niyon ding panaungusap, ang sabihin niya ay o, ang idorolo, at ang con capua niya tauo ang paquiosapan at sabihin ang gaua niya ay as, ang dulo at es, caya at uala din icaquiquilala na con manga alin alin ang dorolohan nang es, cundi pag isahin tandaan at pag aralan.

--182--

Ay con ang capoua tauong di pinangongosapan at dili caya caharap ang sabihin ay isaman di mangyaring doonan nang s, condi a, lamang at e, caya ang dulo. Aco,y, mag halimbaua mona nang manga ilang uica. Con baga aco,y, tanongin con anong gaua co, ay ang togon co, acoy congmacain, como, ninimom aco, bebo, magcacanta aco, canto, tongmatahi aco, coso, tinatahi co ito, coso esto, tinitingnan co yaon, miro aquello, binibile co itong damit, compro este vestido, acoy tongmotolong dito, ayudo aqui, songmisira, destruyo, sinisira co ito, destruyo, esto, nag papalinga, aco, descanso, datapoua,t, con yaong caharap ang pangongosapan, at ang caniyang gaua ang sabihin ay hindi na o, ang idorolo dito sa mga uicang ito cundi as, at es, caya. Con baga ang uica; icao ay nag papahinga, tu descansas, tongmatahi ca, tu coses, songmisira ca, tu destruyes, ay at sinisira mo ito, porque destruyes esto, songmosulat ca, escribes, tongmotolong ca, ayudas, naglalacad ca, andas; datapoua,t, con ibang tauo ang sinasabi at dili siya ang pinaquiquiusapan cundi sinasabi lamang ang caniyang gaua, ay hindi na s, ang idorolo, cundi gayon ang uicain; nagpapahinga, descansa, natutuloc, duerme, congmacaino come, nininom, bebe, tongmotolong, ayuda, songmisira, destruye. Anong binibili ni Pedro, que compra Pedro? an. yaong ipinagbibili niyong tauo, que vende aquel hombre, sinisira niya yaong gaua, destruye aquella obra.

At nang di dumami itong mga uicang aral co sa inyo ay tandaan ninyo tuloy itong uica, at itong mga uicang itong ualang s, ay noguiguin utos naman con isang tauo lamang ang uutusan. Cumain ca, come, minom ca, bebe, matulog ca, duerme, tumulong ca, ayuda, tulungan mo itong bata, ayuda este muchacho, sumisira ca, destruye, sirain mo, destruye esto, magpahinga ca, descansa, paroon ca, anda, magsaoli ca, vuelve.

Mga caibang lubha ang nanga tutungcol sa gauang guinagaua ng dalaua catauo at ng marami caya sa dalaua. Cayanga ang gaua ng daluaa catauo, at ng marami caya sa dalaua ang sinasabi at sila din at ang isa caya sa canila ang nangongosap niyon ay ang idorolo sa uicang yaong Castila ay amos, at emos caya. Ang mga dati ding uica ang ipaghahalimbaua co. Anong gaua ninyo? que haceis? cami ay congmacain, comemos, tinatahi namin itong damit, cosemos

--183--

este vestido, nagiinum, bebemos, nagpapahinga descansamos, ito ang guinagaua namin, esto es lo que hacemos; at maminsan minsan namang hindi amos at hindi naman emos ang dulo, cundi imos: cami naparito, nosotros venimos aqui, hindi vinimos at ang cahulugan ng vinimos ay naparito, datapoua venimos, sa macatouid ay naparito. Sinisira namin ito, destruimos esto, cami naglilingcod sa Castila, servimos á un español, ito ang uica namin, esto es lo que decimos, cami songmosulat escribimos. Anopat, di cayanga ang uica nating mga tagalog ay cami at tayo caya ay yaong gauang sinasabing guinagaua namin at natin caya ay con sa Castila saysayin ay hindi sasala na di ang idorolo doon ay ang isa dito sa tatlo con amos caya, at con emos, caya at con imos caya.

Datapoua,t, con may pinaquiquiosapan ang tauo at dili iisang tauo lamang yaong causap niya cundi dalaua at marami caya sa dalaua, ay ang idorolo doon sa uicang yaon ay ais at eis caya. Congmacain cayo, comeis, nininom, bebeis, nangagpapahinga, descansais, , anong binibili ninyo, que comprais, anong ipinagbibili ninyo, que vendeis, anong uica ninyo, que hablais, anong hinihintay ninyo, que esperais, á que aguardais, ano iyang isinasaoli ninyo, que es eso que volveis. At maminsan minsan hindi ais at hindi eis ang dulu cundi is lamang. Yaon nganing nanga sabi ngayon na con ang gaua ninyo ding mga tauong nangungusap ang natuturan hindi amos, at dili naman emos, ang maguiguin dulo cundi imos ay sila din nga naman ang di mangyayaring dulohan ng ais at ng eis man caya cundi is lamang con may pinaquiquiusapang mga capoua tauo. Di baquin con ang uica, ilan cayong napadirito, cuantos venis, anong uica ninyo, que decis, ay at naglilingcod cayo sa Castila, porque servis á español, anong isinusulat ninyo, que escribis; caya nga imos ang dulo, con tayo at cami caya ang uica ay maguiguin is, ang dulo, con iban mga tauo ang pinaquiquiusapan, at caya naman amos, ang dulo, con tayo at cami, caya ang uica ay naguiguin eis ang dulo con (tayo) ibang mga tauo ang pinaquiquiusapan; datapoua,t, ang gaua gaua ng ibang mga tauong di pinaquiquiusapan ang sinasabi ay alin alin man dito sa manga dulong ito,y, hindi natatapat, cundi an, at en caya. Pag pisanin co na itong lahat na manga aral dito sa manga uicang itong ipag haha-

--184--

limbaua co, cundi ang logod ninyo. Aco,y, tongmolong, yo ayudo, icao tongmolong, tu ayudas, yaong tauo ang tongmolong, aquel hombre ayudó, cami tongmolong, nosotros ayudamos, cayo ay tongmolong, ellos ayudan, tulungan mo aco, ayudame, acoy congmacain, yo como, icao ay congmacain, tu comes, yaong tauo ay congmacain, aquel hombre come, tayo ay congmacain, nosotros comemos, cayo,y congmacain, vosotros comeis, silay congmacain, ellos comen, comain ca, come, acoy songmosulat, yo escribo, songmosulat ca, tu escribes, si Pedro ay songmusulat, Pedro escribe, tayo,y songmusulat, nosotros escribimos, cayo,y, songmusulat vosotros escribis, silay songmusulat, ellos escriben, sumulat ca, escribe; aba dili ang catongo nang amos ay ang ais at ang an at ang casama nang imos ay dili ang eis at ang en at an catapat nang imos, ay dili ang is at ang en naman, inyo ngang pagpacasipagang pagaralan ito, cundi ang galing.


No comments:

Post a Comment

Lisensiya