Wednesday, December 16, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (191-192): Kabanata 5, Aral 6

Nauna (189-191: Kab.5.Aral.5)

--191--

ICAANIM NA ARAL.


Con ang paguutos sa capua tauo ng uicang Castila ang saysayin ay diyata gayon. Con iisang tauo ang inoutusan at siya,y, caharap din at pinaquiquiusapan ay ang ibang uica,y, nadorolohan ng e, at con ang di causap ang inoutusan at hinahatulan cayang gumaua ng balang na ay gayon naman na ang dulo ng iba ay a, at ang sa iba,y, e, subali con sucat dolohan ng a, ang uica ng paguutos sa tauong quinacausap ay con yaong uicang yaon ang itapat sa inoutusan ang di caharap ay hindi na a, ang idorolo cundi e, at balic naman con sucat duluhan ng e, ang uica ng paguutos sa inoutusang quinacausap ay con itapat yaong uicang yaon ang uicain sa inoutusan di causap, ay hindi na e, ang idorolo cundi a; marahil ding maisipan ninyo itong aral con inyong tandaan itong mga halimbauang ito. Tumulong ca, ayuda tu, tumulong si Pedro, ayude Pedro, comain ca, come tu, comain yaong tauo, coma aquel hombre, mag pahinga ca, dencansa, mag pahinga si Juan, descanse Juan, sumulat ca, escribe, sumulat yaong bata, escriba aquel muchacho, ihatid mo ito, lleva esto, ihatid ito ng tanod, lleve esto la centinela, ibig mo ang Dios, ama, á Dios, ibiguin siya ng tanang tauo, amele todo hombre, sirain mo iyan, destruye eso, ibang tauo ang sumira, destroyó lo otro hombre, at dili caya namamasdan ninyo itong mga uicang ito cundi nagcapapalit din ang mga dulo ng paguutos sa caharap ng pag-uutos sa di caharap.

Datapoua,t, con dalaua catauo at marami caya sa dalaua ang inuutusan ay gayon; con ang canila ding cataoan ang ga inoutusan na t, hinahatulang gumaua ng balang ay amos at emos, caya ang idorolo doon sa uicang yaon; datapoua,t, con ang mga caharap ang inoutusan, ay ad at ed, caya ang dulo, at con ang mga di caharap inoutusan ay an at en, pag sasabayin co ng ipag halimbaua itong lahat. Tayoy tumulong, ayudemos nosotros, tumulong cayo, ayudad vosotros, tumulong sila, ayuden ellos, sumulat tayo, escribamos nosotros, sumulat cayo, escribid vosotros, sumulat sila, escriban ellos, aba tayo, vamos, cayo muna ang paroon, vostros id, ó andad primero, yaon mga ta-

--192--

uong yaon ang paroon, vayan aquellos hombres, tayoy comain na, comamos nosotros, comain cayo, comed vosotros, comain ang mga tauong mananaguan, coman los que han de remar, maquinyeg tayo, oigamos ó escuchemos, maquinyig cayo, oid ó escudehad, maquinyig ang lahat, oigan o eschuchen todos, mag tacbo tayo, corramos, magtacbo cayo, corred, mag tacbo sila, corran ellos.

Datapoua,t, con yaong ipinagagaua sa capoua tauo ay hindi niya gagaoin sa iba, cundi sa caniya ding cataoan gagaoin yaon at con anoanoman yaon ipadaraya sa cataoan niya ay di mangyaring di duluhan yaong uicang yaon nitong catagang te, at con dalaua,t, marami caya sa dalaua ang inoutusan ay ang idorolo doon ay os, at con ang tauong di pinaquiquiusapan ang sinabi iisa man siya at marami man, ay di mangyaring di duluhan nitong catagang se, at con yaon ding taong nangungusap ang ga inoutusan niya at hinahatulang gumaua ang caniya ding cataoan ng anoman, ay con iisa siya ay me, ang idorolo sa uicang yaon, at con dalaua,t, marami caya sa dalauay nos, ang idorolo doon. Halimbaua; maligo ca, bañate, maligo si Pedro, bañese Pedro, maligo tayo, bañemenos, maligo cayo, bañaos, maligo sila, bañense ellos, at con ang cataoan din niya ang ga niyayayang maligo ay diyata ang uicay maligo na aco, ca quiero me bañar. Aba dili matatandaan ninyo yaong manga dolorolo me, se, nos, os, at ang dili nga gaua yaong guinagagaua sa ibang tauo cundi sa cataoan din nilo ang paliligoan, caya nga con ibang tauo ang pinapaligoan doon sa inoutusan ay uala na yaong manga dulong yaon cundi gayon; paligoan mo iyang bata, baña á ese muchacho; paligoan ni Pedro iyang anac niya, bañe Pedro á ese su hijo, paligoan natin itong tauo, bañemos á ese hombre, paligoan nila ito, bañenlo ellos. Aba dili uala nang uala yaong mga dulong yaon; Mag halimbaua na aco; mag sisi ca sa casalanan mo, arrepientete de tus pecados, mag sisi naua ang sino mang cristiano, sa casalanan niya; ojala que se arrepienta cualquier cristiano de sus pecados, mag sisi tayo sa casalanan natin, arrepintamosnos de nuestros pecados, mag sisi cayo sa casalanan ninyo, arrepentios de vuestros pecados, mangagsisi ang lahat sa manga casalan nila, arrepienta#se todos de sus pecados. At ganganito din ang lahat.

Nauna (189-191: Kab.5.Aral.5)

No comments:

Post a Comment

Lisensiya