Tuesday, December 15, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (162-164): Kabanata 2, Aral 1



--162--

ANG ICALAUANG CABANATA


Hindi magaling na itoloy co, itong aral cong ito cundi comona cayo aralan manga capoua co tagalog nang pagturing nang ibang manga letrang di natin tinotoran torang dati, at ang uala nga sa uica nating tagalog bago siyang maralas sa uicang castila; ay maliuag mang maturan nang

--163--

di dating namimihasa.  Ay maliuag (man,) ay, mapag aaralan din ninyo con pag pilitan. Aba tayo na, at tandaan itong manga mahal na aral.

NA ONANG ARAL

Itong saysaying co ngayong uicang Castila ay may manga sariling letra, na dili natin dating natuturan, con baga ang ch, at ang c, at ang x, at ang f, pati nang, ll, at ang i, pa naman.  Cayá nga yatá cong ibig ninyong manga toto nang momontiman; itong di dati nating uicang Castila ay inyong piliting ibaloctoc ang dila ninyo, at ga papagiquitin na ninyong, maturan turan itong maliliuag na di dati nating ipinangongosap; yayamang capag nagcaiba ang pag turing nang manga letra, ay nagcaiba naman ang manga uicang yaong Castila, at ang cahologan nila.  Di baquin itong wicang, piel, (con ang pó, ang onahin ipag halimbaua) ay, sa macatouid ay balat nang hayop, bago itong uicang fiel, ay ang matibay na loob na di mag lilo.  At itong uicang defender ay mag adya sa iba, sa balang makasisira; bago itong uicang depender ay lubhang iba.  Ang pino,y, isang cahoy na malolos na matouid datapoa,t, ang fino con baga sa damit ay ang halos na magaling na pagkayari.  Ito namang uicang pajar, ay pinagtatagoan nang ipa; bago itong uicang fajar, ay mag bigquis nang malapad.  Sampon may doong ibang gangaito na itongang letrang itong f, ang iquinapaquiiba doon sa may, p, at naguiguin icalauang cababalingan at ikalauang cahologan.  Caya nga yata, mangag pacapilit din cayong tomoring nito at ang ngipin ay gaybabao na sa labi, na ninyong maturan at may paquiiba sa, p.

Ang isa namang letrang di natin natuturang dati ay ang c; condi s, nang s, ang dating caraniuang turan, bago con sa castila ay nagcacalayong lubhá itong dalaua. Di baquin ang, ciervo, usa; ay ang siervo,y, alipin. Ang cazar, manhuli sa lupa nang balang na, ay ang casar, ay magasaua, at gayon naman ang cazado, ay naholi, at ang casado,y, may asawa.  Ang maza, ay ang palopalong may mabilog sa dolo; at ang masa ay ang galapong na linalamas na ginagauang tinapay.

--164--

Ang braza, ay dipa, at ang brasa, ay baga; ang abrazar ay yumacap; at ang abrasar, ay sumunog. Secion, ay pag basa; lesion ay balang manang pag sira; loza, ang babasaguing ipinag lalaco nang Sangley; losa, ay ang batong dalig na mahaba at malapad, Decierto, con baga ang uica decierto lo sabe, ay naaalaman niyang tanto; desierto ay ulang; cevo, pain; sevo tabang naboboo; at ang baso, ay sisidlang; bazo, baga; at ang bajo; ay ang tinging na mahagong sa pagcacanta. Coser, ay tomahi; cocer, ay mag loto.  Ang lisa, ay malinis; at ang liza, ay banac, At nangag cacalayong lubha itong tatlo, raza, rasa, raja; at itong dalaua, risa, riza; at ito namang tatlo, pasa, paja, paza.  Aba dili ang layo nang, s, sa c, yayamang iquinapaguiguing iba ding lubha nang manga uica at nang manga catotoran nang isa,t, nang isa.

Ay con itong letran l, ang sabihin, ay ibang lubha con dalaua ang pag langcaping turan sa turan ang isa lamang. Di baquin ang belo, ay yaong maralang na pinanganganlan namang toca; at ang bello, ay ang bolo, sampon nang balahibo; mala, ay masamá; malla, ay yaong sa baloting bacal na higuit nang castila; lana, ay bolbol nang topa; llana, ay pantay; ralo ay malabnao; rallo, ay yaong tanglong may mga botas botas, at may doon pang ibang gangaito.  Tandaan din ang pag cacaiba nang may isang l, at nang may dalaua.

Nauna (159-162: Kab.1.Aral 8)

No comments:

Post a Comment

Lisensiya