Tuesday, December 15, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (167-168): Kabanata 3, Aral 1


--167--

ANG ICATLONG CABANATA.


Caponoponoan din namang macatotouid nang pangongosap ninyo nang uicang castila, itong iaaral co ngayon sa inyong manga mahal na naibig maguing ladinos at bauat di ninyo maalaman ito ay uala ding capangyarihan cayong matoto moliman sa uicang castila.

NA UNANG ARAL


Ano anoman ang inyong sabihin con iisa yaong sinasabi ninyo ay houag ninyong dolohan yaong uicang castila, nitong letrang s, caya nga may s, sa dolo ay naguiguin dalaua na at marami. Caya sa dalawa yaong nasasabi at napacarami na ang naturan. Halimbaua, tauo, hombre, manga tauo, hombres; lalaqui, varon, manga lalaqui, varones, babayi, muger; manga babayi, mugeres; calolua, alma, manga calolua, almas, cataoan, cuerpo, manga cataoan, cuerpos; olo, cabeza, mga olo, cabezas, paa pie, manga paa pies, at gayon din naman ang lahat. Caya nga ang pag bilang sa Castila ay gayon. Isang tau, un hombre, dalaua catauo, dos hombres, tatlo catauo, tres hombres, at ilinalin man ang turang ay capag lomalo sa isa ay may s, din sa dolo, yaong uicang yaong; isang tinapay un pan; sampouong tinapay, diez panes; isang bitoin, una estrella; maraming bitoin, muchas estrellas. Caya nga yata, con cayo ay maglalangcap nang dalauang uica, at yaong isa, ay ualan s, ay houag ninyong doonan nang s, yaaong isa; lubha palang boctot ang gayon. Ay ano mangyari cayang di tauanan, itong uicang mucha palabras, at ito caya, casa grandes, at ang iba pang ganganito; at con pagpalitin caya, muchas palabra; casas grande etc, condi ang matouid ay con capoua walan s, at con capua naman, uala; con baga ang uica; muchas palabras; casas grandes, hombres buenos, mugeres santas; at con iisa,y, hombre bueno, mujer santa. Caya yáta hindi naman matouid itong uica; cuanto hombre vinieron;

--168--

at dili naman ito, cuantos hombre; condi ang matouid ay cuantos hombres, sa macatoid ay ilan catauo ang nangagsiparito. Ano pat di alin alin mang wica ang maibig ninyong ipag halimbawa ay gayon ding gayon.

 Nauna (165-167: Kab.2.Aral.3)

No comments:

Post a Comment

Lisensiya