Tuesday, December 15, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (164-165): Kabanata 2, Aral 2


--164--

ICALAUANG ARAL


Ang lubhang iquinapagcacamali ninyo nang pangongosap nang uicang Castila, ay ang pag turing nang r, at nang d, at ang iniisa nga ninyo at ipinag papalit caya; bago dalaua ding tanto sa Castila, Di baquin ang duro, ay matigas; at ang dudo, ay ang maalang alang ang loob co; todo, ang lahat at boo caya; toro, ay anac nang baca; acero, ang patalim; acedo, ay maasimasim at mapanis caya; Ang padecer, ay, nagdaralita, at nagcacasaquit caya; ang parecer, ay con naquita, ang nauala; pero, datapoua,t, pedo, otot &, perro, aso; ang escudo, ay calasag, ang escuro, ay marilim.  At tatlo din naman itong manga uica, duda, ruda, dura, at ang roja, ay mapola, at ang rosa, ay bolaclac, mabuti at mabango sa Castila;

--165--

at ang roza, ay gomosad; Ang tasar; maghalaga, at ang tajar, ay sa paggaua nang panulat natatapat.  At dito din naman sa r, nagcamamali cayong mararas, at ang isa, ay guinagaua ninyong dalaua, at ang dalaua ay ginagaua ninyong isa.  Con sucat nganing pacalambotin ay inyong pinacatitigas; at balic naman con sucat pacatigasin ay inyong pinákalalambot.  Caya nga, (con baga sa halimbaua) itong uica, orilla, ay baquit iisa lamang ang r, at datiding malambot ay con inyong turan, ay orrilla, ang pagturing nang dipa maroronong, bago lubha palang iquinasasama nang pagcaringig at iquinapagcacaiba nang cahologan, itong pagcacamaling ito. Di baquin nga ang caro, mahal; at ang carro, ay pagolong; ang dorar ay may hibo nang guinto; ang rodar, ay gomolong; ang duro, ay matigas; an rudo, ay maliuag macaalam nang balang na. Deribar, ang magmula sa ibaba; derribar, ang iholog at sodlac caya ang balang na; embarar, ay naninigas; enterrar ay magbaon; entararse ay ang tumanto nang balang manang pinag oosapan; Ang corral ay bonohan at bocod caya etc. Ang coral, ay paran bobog na mapula. Cailan co baga mangaoobos isulat ang manga gangaito, datapowa,t, magpacatanda tanda din nga cayong manga mahal, at con sucat dalaohin, ay dalaohin ang r, at ang pag turing ay pacatigasin; at tandaan ninyo itong uica.  Ang r, con isulat sa pono nang uicang castila ay cahima,t, isaisa lamang na r, ay parang dalaua din con ipangosap, at pakatitigasin din ang pagturing para nang pag sulat nitong uica, rico, mayama; rio, ilog; raton, daga etc.  Datapua,t, con sa guitna nang uica isulat at iisa ang r, ay isa din yaon, at malambot ang pag turing, para nitong manga uica, orilla, piling; dorado, binalatan nang guinto, orar manalangin. Ay con dalawa ang r, ay dalaua din at pacatitigasmang pangongosap; para nitong mga uica, honra, ay ang honra, condi honrra, borracho, nalalango, malalangohin; arriba, saitaas; arroyo, sapang munti.  Arribar, etc. caya nga dalaua ang rr, ay pacatitigasin din.

Nauna (162-164: Kab.2.Aral 1) 

No comments:

Post a Comment

Lisensiya