Tuesday, December 15, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (173-175): Kabanata 3, Aral 3


--173--

ICATLONG ARAL.


Con ang manga Castila ay may tinatarang munting anoanoman, na dili ibig pangalanan nang ugaling ngalan, condi ibig ngan turan ang caontian, ay ang idinorolo doon sa uicang yaon, ay itong catagang illo di baquin ang sombrero ay con munti, at con ga pamahacan na at dili minamahal, at dili ipara sa ibang manga totoong sombrero ay con turan ay sombrerillo. Ang tauo ay hombre; ay con munti at gahamac na ay hombrecillo; at ang bahay, casa, ay con munti at ga masama, casilla; ang buquid, ay sementera ay con munti ay sementerilla; ang banga,y, cántaro ay cong munti ay cantarillo, ang babayi,y, muger, ay cong munti at ga hamak paran pagaliposta sa caniya, ay mugersilla. At ganganito rin ang iba con illo caya at con illa, cayá. Cayanga, ga babayi, ay illa, ang dolo at con ga lalaqui ay illo at con marami ay illos con baga, sombrerillos, hombrecillos, mugercillas, cantarillos, sementeterillas, at gayon ang lahat di man nagcacamacha ang catoloyan nang uica. Di baquin ang imagen ay con munti ay imagencilla, ang pinto, puerta, ay con munti ay puertecilla, at ang mano ay con munti ay manecilla, sa macatuid ay camay na munti, etc.

Datapoua't hindi ito lamang ang idorolo sa manga uica ng pag turing at nang pag sasaysay nang caontian, condi ito pa namang, velo, at vela, caya at siyarin nitong naonang naturan. sing ayan din nga itong dalauang uica, sombrerillo at sombreruelo, at itong dalawa naman hombrecillo at hombrezuelo; at ito namang dalaua mugercilla at mugerzuela, sampon naman nitong dalaua puertecilla puertezuela #ati nang lahat na maibig ipag halimbaua ay singayon din

--174--

yaon dalaua cataga; datapoua,t, laloring caraniuang turan ang naona.

At may doon po namang ibang dalaua cataga na sa caontian din natatapat ang balang na, ang isa,y, ito, at ang isay, ico; at con ga babayi na ay diyata,y, ita at ica, subali itong dalaua ay ga logod na doon sa tinuturon nang gayon; at ang ga minamabuti nga at ga minamariquit at con anoman ang iquinalologod doon ay datapoua,t, cagaanan nga nang uica. Di baquin doon din sa ipinaghahalimbaua ay ang sombrerong munti ay sombrerico, sombrerito, datapoua,t, may cahalong galogod na doon, at ang imageng munti ay imagencita, imagencica; maanong pagibhin ibhin na ninyo yaong manga onang sinabi at pagdolodohan na ninyo nitong manga dolong calogod logod.

At sa manga ngalang tanto natatapat itong gayong pagcacaib. Di baquin itong ngalang Maria, ay con munting bata,y, Mariquilla, marizuela, marica, mariquita, at itong uicang Domingo, dominguito, dominguico, dominguillo, dominguelo. Agustin, agustinico, agustinillo etc. Mangosap na cayong mabait na tauo, at magtocsohan nang inyong dunong.

Datapoua,t, con ang calachan nang balang na ang batiin at ga tachan na, ay ang idolo sa uica ay itong catagang azo. Ay yaon din ngang naona ang ipaghahalimbaua co, na ninyong maalamang marali. Ang casa, ay con malaqui ay casaza, at ang sombrero, ay sombrerazo, at ang puerta ay puertaza, ang pilar, pilarazo. Sucat na, at cayo na ang maghalimbaua nang ibang marami, subali, itong gayong pangongosap ay hindi maralas ipinaquiquilangcap sa totoong mahal na sabi, at ang di nga lubhang camahalang uica ito, condi dating uicang grande ay siyang camahalang uicang ipinupuri sa calachan nang balangna, con baga ang uica,y, malaking bahay, ay grande casa; malaquing simbahan, grande Iglesia, lubhang malaking simbahan, muy grande Iglesia.

Sampon ang naguín puring magaling at mahal turan ay con ang dilang uica, ay dolohan nitong cataga, simo, maghalimbaua aco nang manga ilan na ninyong mahalata itong mahal na pangongosap. Magaling, bueno, magaling na lubha, bonisimo, masama, malo; masamang lubha, malisimo; mabuti, hermoso, mabuting lubha, hermosisi-

--175--

mo, tampalasan, bellaco, tampalasang lubha, bellaquísimo, matibay, firme, matibay na lubha, firmísimo, marilim, oscuro, marilim na lubha, oscurísimo; maliuanag, claro, maliuanag na lubha, clarísimo, malicsi, ligero; lubhang malicsi, ligerísimo. At ganganito din ang ibang marami; datapaua, con baga di matotohang marali nang tauong bagong nag-aaral ay yaong uicang muy, ang ihalili dito hamang siy ang lalong marami, at ang cahologan ay singayon din.

Maminsan minsan namang dinodolohan ng mga Castila, ang mga uica nitong catagang on, at puri din sa calachan niyong ninodolohan sampon ga pulang at ga di na quinaiibigan at galibac na doon sa tinotoran nang gayon, caya. Caya nga ang sombrero, ay sombreron, con malaqui na di naaauon sa ulo; at ang cuchillo, ay cuchillon; at ang zapato, ay zapaton; datapoua,t, houag ninyong icabahala itong ganganito, yayamang dili maralas ipinangongosap bago dili namanamaraming lubha ang macacatapatan at madorolohan ng gayon.

Datapoua,t macá ang daya ninyo, ay cayá on, ang dulo nang uicang Castila, ay ganganito ring lahat, at puri din sa calachan niyong tinoturan, bago hindi rin at marami din naman ang di gayon, condi ngalan lamang ng balang na, para ng ibang ogaling uica, at con baga sa tagalog ay para nitong uicang lalo na, dili puri sa anoman condi ngalan ng ngalan lamang. Cayanga yata, ng mamalaymalayan ninyo itong aral na ito, ay aco,y, magtitipon nang manga ilang ganganito, at magaling din ang may maquilala sampon matanto ang cahologan.


No comments:

Post a Comment

Lisensiya