--168--
IKALAWANG ARAL
Maliuag mang saysayin, itong iaaral ko ngayon ay aquing pagpipilitan ding saysayin, opang mamalay malayan ninyo munti man. At ang lalong hayag ang onahin co nang siyang icamalay malay ninyo nang iba; con lalaqui ang tinotoran nang Castila ay o, nang o, ang idinodolo at con babayi ay a, nang a, caya nga ang manga ngalan nang manga babayi ay nanga dorolohan nang a, Maria, Catalina, Lucía sampon nang ibapang maraming marami; at con cahi mat ngalan nang Santong lalaqui ang ipangangalan sa babayi, at cahima,t, o, ang dating dolo ay hinahalinhan din nang a, di baquin itong ngalang Francisco, ay con sa babayi itapat ay hindi na Francisco condi Francisca, at ang cay San Agustin na ngalan ay con sa babayi itapat, ay hindi Agustin, condi Agustina; at balic naman con ang ngalan nang babaying Santos ang ipangalan sa lalaqui ay o, din ang ualang salang idolo. Di baquin itong mahal na ngalang Maria, ay con siyang ipangalan sa lalaqui ay hindi na Maria condi Mariano at gayon din naman ang iba.
At dili sa manga ngalan lamang nang manga tauong manga lalaqui at manga babayi natatapat itong aral condi sa iba pa mang sinasabi sa lalaqui at sa babayi? Na cayá nga lalaqui ang sinasabi, ay yaong uicang itinatapat sa caniya ay nadorolohan din nang o, at con babayi ang sinasabi ay a, nang a, ang carolohan. Acoy, maghahalimbawa, Masamá, malo, caya nga con lalaqui ang sinasabi ay ang uica'y es malo; si Pedro ay masamá, Pedro es malo, ay con babayi, mala, si Ana ay masamá; Ana es mala; Mayaman, rico, si Juan ay mayaman, Juan es rico; si Juana ay mayaman, Juana es rica. Pedro es santo; Lucia es santa. Itong bata,y tampalasan,con batang lalaqui ang itoro ay ang uica'y este muchacho es vellaco, at con babayi ay esta muchacha es vellaca; buti ayá nang sangol na ito, ó que hermoso, ó que lindo es este niño con baga lalaqui yaon; datapoua,t, con babayi, ó que hermosa, ó que linda es esta niña.
--169--
Ay ang lalonang maliuag ang sasabihin co manaa. Dili ang manga tauo lamang, ang manga lalaqui,t, ang manga babayi ang natatapatan nitong aral con di natatapat din naman sa ibang dilan balan na yayamang dito sa ibang dilan balan di tauo, ang ngalan nang iba,y, a, ang dolo at pinaparan babayi, di man tauo nang pagpapangalan sa canya, at ang sa iba,y, o, ang dolo at inahahalimbaua nga sa lalaqui di man tauo.
At nang may icahalata, cayo nitong manga aral cong ito ay aco,y, mag dirito nang manga uicang Castila na ang iba ay o; ang dolo, at ang iba ay a, aquing pag babalaquin, at gagaouin co nang auit Castila nang mamihasa cayong malogod sa Castilang auit.
No comments:
Post a Comment