Tuesday, December 15, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (135-140)

Panimula ng nagsaayos

Sa post na ito ay iseserye ko ang buong "Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla" ni Tomas Pinpin (1610) na batay sa kopyang nakalakip sa "La primera imprenta en Filipinas" (Artigas y Cuerva, 1910, 135-359).

Tapos ko nang iteklado ang buong aklat, at kasalukuyan kong pinu-proofread ito.  Natagpuan ko na batbat ng tipograpikal na mali ang kopya sa "La primera imprenta".  Maliban pa rito ay malabo ang facsimile na ginagamit ko kaya maaaring nagdagdag pa ako ng mga pagkakamali.  Ang ilan sa mga pagkakamali ay sumusunod:

  • Mukhang ang asterisk (*) na kumbensiyon sa alternatibong kataga ay isinulat na ekis (x) sa ilang parte ng dulo ng teksto
  • Ang n, b at h ay mukhang nagkakapareho pag malabo ang titik.
  • n, at u ay minsang nababaligtad sa orihinal.
  • d, b, at p ay minsanan ding nababaligtad sa orihinal.
Ang pinakamahusay na paraan para matiyak ang "reliability" ng post ko ay ihambing ito sa kopyang nakalakip sa "Arte y reglas de la lengua tagala" ni Francisco Blancas de San Jose (c.1614)

Narito naman ang ginamit kong kumbensiyon sa mga hindi mabasang titik at espesyal na titik.

  • Ang # ay ginamit kong kumbensiyon para sa hindi ko mabasang titik.
  • Hindi ko na ginamit ang n~g para sa nga at ginamit na lamang ang kasalukuyang ng para madaling basahin ang teksto.  Ang ~g ay ang pinakamalapit sa may kilay na g sa orihinal.  Walang ganitong font sa kasalukuyan.
Tala (Disyembre 15, 2009, umaga): May g+tilde palang titik na lumalabas sa Linux.  Ito ay nasa Guaraní na wika at puwedeng iteklado sa pamamagitan ng Guarani na keymap sa yudit.  Halimbawa: g̃ G̃.  Sa palagay ko makagagawa ako ng simpleng kmap para magamit sa pagteklado ng mga aklat na nasa abakada.  Kaya lang, ibig sabihin nito ay kailangan kong iteklado muli ang teksto...:-(.  

Tala(Disyembre 15, 2009, hapon): Nagawa ko na ang Abakada.kmap para sa Yudit, puwede nang magtype ng g̃, tingnan sa http://ugnay.blogspot.com/2009/12/abakadakmap-para-sa-yudit-puwede-nang.html. :-D

    Ang aklat na ito ni Pinpin ay hindi lamang aklat na nagtuturo ng wikang Kastila o aklat tungkol sa paraan ng pagkukumpisal, kundi isang mayamang batis para sa mga nagsasaliksik ng kasaysayan ng mga Tagalog.  Masasalamin dito ang pag-iisip ng isang salinlahing nagbabago ang kultura.  Aking muling inilalathala ito sa Internet sa pag-asang makatulong sa mga mag-aaral ng kasaysayan.

    Roel Cantada
    Disyembre 15, 2009
    Kabite, Pilipinas


    Sanggunian

    Pinpin, T. (1910).  Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla.  Sa Artigas y Cuerva, M. (Ed.), La primera imprenta en Filipinas, pp. 135-359. Manila: Germania.  Ang orihinal ay unang inilathala noong 1610 sa Bataan.



    Ang aklat

    --135--


    LIBRONG PAGAARALAN
    nang manga Tagalog nang uicang Castilla.

    LIBRO EN QUE APRENDAN
    los Tagalos, la lengua CAstellana.

    GAUA ITO NI THOMAS
    Pinpin, tauo sa Bataan.

    HECHO POR THOMAS PINPIN,
    natural de Bataan.

    PUSO TAMBIEN AQUI EL AUtor para el mismo fin que él pretende un interrogatorio para confession compuesto en ambas lenguas Tagala y Española por el Padre Fray Francisco de San Joseph, fué examinador; y dio sele licencia por los superiores.

    En Bataan por Diego Talaghay
    Impressor de Lib. Año 1610.

    Manila, 1910

    --136--

    (blangkong pahina)

    --137--

    Por mandado del Señor Gobernador Capitan General y Presidente de estas Islas, yo Fr. Roque de Barrionuevo, Prior del Convento del santisimo nombre de Jesús de Tondo, de la orden de N.P.S. Agustin, ví y examiné con advertencia este libro intitulado, Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castila, que en nuestro castellano, quire decir;  libro en que aprendan los tagalos, la lengua Española, compuesto por Thomas Pinpin Tagalog, y en él no hay cosa, que sea contra nuestra fé y buenas costumbres;  antes contiene muy buena lengua, estilo y doctrina muy provechosa así para los mismos Tagalos como para Religiosos principiantes en lengua tagala y es mucho de estimar por ser su autor un natural tagalog.  Por lo cual su señoria podrá dar licencia al autor, para que le immprima y saque á lus porque con ésta merced se animará el dicho á hacer otras cosas mayores con que se aprovecha á los demás. Que es fecha en tondo á 8 de Abril de 1610.

    Fray Roque de Barrionuevo.

    --138--

    (blangkong pahina)

    --139--

    Don Juan de Silva, Caballero del habito de Santiago, Gobernador y Capitan General de las Islas Filipinas y Presidente de la Real Audiencia de ellas.  Por cuanto por parte de Thomas Pinpin tagalo me ha sido fecha relación que tiene hecho un libro, que se intitula, arte en que aprendan los tagalos la lengua Española, el cual está examinado por el Padre Fr. Roque de Barrionuevo, Prior del Convento de Tondo y para que haya copia del dicho libro en todas estas Islas, me pidió licencia para imprimirlo.  Atento á lo cual doy licencia y facultad á cualquier impresor de estas islas, le puedan imprimir sin incurrir por ello en pena alguna y cada uno de los dichos libros en papel se tase á cuatro reales y no lleve más.  Dada en Manila á catorce de Abril de 1610 años.

    Don Juan de Silva.

    --140--

    (blangkong pahina)

    1 comment:

    1. sobra po akong natuwang sa aking natagpuan. ako po ay naghahanap ng mga aklat nuong kapanahunan ng kastila at sino ang unang gumawa at ilahad sa lahat ang libro.
      sana po hindi nyo tanggalin itong ginawa nyo sa pagkat ito po ay totoong nakakatulong hindi lang po sa mga bata kung hindi sa mga nangangailangan malaman tungkol dito.

      ReplyDelete

    Lisensiya