Wednesday, December 16, 2009

Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (186-187): Kabanata 5, Aral 3

 Nauna (184-186: Kab.5.Aral.2)

--186--


ICATLONG ARAL.


Con sinasabi ang gaua ng tauo na dili guinagaua niya ngayon, cundi cangina guinagua at cahapon caya at con cailan na cayang arao, at nalauon na cayang guinaua niya con baga songmosulat siya at naglalacad caya etc. Con baga ang gaua din niyong nangungusap ang sinasabi nya at ang gaua caya ng ibang tauong di causap ang natuturan ay maralas na maralas may ba, sa dulo niyong uicang yaon. Halimbaua, anong gaua ni couan, que hace fulano, nangungusap, habla, con baga ngayon: datapua,t, con cangina at cahapon caya hindi matouid ang habla, cundi hablaba, naglalacad, con baga ngayon, anda pasea, caya datapua,t con cangina at cahapon ca, andaba, paseaba, caya, songmisinta aco, yo amaba, tongmotolong aco cahapon, yo ayudaba ayer, gongmaua cangina, trabajaba denantes. Yaong si couan ay niyong siya,y, nabubuhay nagsasaca din, fulano cuando vivia labraba su sementera, at namamandao ng bonohan, y visitaba los corrales, at hongmahayuma nang dala, y remendaba, la aterraya; at nangangalap naman, y cortaba madera, at inaalila,t, pinacacain niya ang mga anac, y daba decomer y sustentaba á sus hijos; at ualan tahang maghanap etc, y siempre buscaba etc.

Aba dili paraparang nanga dorolohan ng ba, itong lahat mabibilang baga ang ganganito; subali may doon namang ibang di mga camucha nito at ang dulo ay dili ba cundi ia. Con baga cahapon niyong aco,y, naparito; ayer cuando yo venia; anong ginagaua niya cangina; que hacia denantes; mag aaral, aprendia, tongmatahi, cosia, ito ang uica niya, esto decia, hongmihingi, pedia, nanasa, leia, songmosulat, escribia, tongmataua, reia, nananhic, subia, nanayag; queria; tongmatacal, media, hindi nga mangyaring itatua na dili marami din naman ang gangganito. At ang gayong mang na una, at ang ganito man ang sabihin ay maralas matapat dito itong uicang estaba; datapua,t, ang dulo ay iba; halimbaua; nag aaral, estaba aprendiendo, nanas, estaba leyendo, estaba se riendo, estaba pidiendo, estaba midiendo, at gayon din naman yaong lahat na mga sabi dito;

--187--

datapoua,t, con may sinasabing gauang maralas guinagaua ng tauo sa una ay ang cauicaan ng castila,y, solia, maralas siyang napadirito, solia venir aqui, maralas siyang nagbibigay ng limos, solia dar limosna, dinadalao mo cami sa unang maralas, solias visitarnos, at con yaon cayang muchas veces ang idagrag datapoua,t, con dili ang di caharap ang sinasabi, cundi may pinaquiquiusapan ding capoua tauo ay itong la na nangasabi dito ay may s, sa dulo. Hindi nga matouid ang tu ayudaba, tu venia, tu escribía, etc, cundi tu ayudabas, tu escribias, tu venias, tu cortabas. Isamang isamay di mangyayaring sumalang may s, at con marami ang causap ay hindi na gayon, cundi may des, at is caya sa dulo. Cayo ang naparito sa unang maminsan minsa, vosotros los que veniades antiguamente; algunas veces vosotros ayudabais ó ayudabades, vosotros dabais, vosotros leiais ó leades at ganganito naman ang iba; datapua,t, con ang pangungusap ay ang cania ding cataoan ang sinasabi sampon may mga casama siya, na ang uica baga sa tagalog ay tayo at cami, caya ay alin man doon sa nangasabi ay hindi natatapat cundi ang idulo ay amos, con baga tayo ó cami,y, napaparoroon at naglalacad caya at tongmotolong caya at nanasa caya cahapon at sa oca caya, nosotros ibamos, caminabamos, ayudabamos, leiamos, aprendiamos etc. Datapoua,t con dalaua,t, marami caya sa dalaua ang sinasabi, na di sila ang pinaquiquiusapan sinasabi lamang) at ang sila,y, mga caharap at con mga caharap man ay para din di mga caharap yayamang dili nga sila ang pinaquiquiusapan, condi sinasabi laman ay con gayon (anaquin) ay ualan salang dorolohan yaong uicang yaon nang au, con baga napadoroon itong mga tauong ito; estos hombres iban; ang mga conatores ang nag babaon sa caniya, los cantores lo enterraban; cangina nagsaoli sila, denantes volvian. Anoyat ilan mang libo ang ipaghalimbaua, an, ng an, ang dulo nitong gangayong uica, diman nagcamumucha yaong nagngaoona sa an.

 Nauna (184-186: Kab.5.Aral.2)

No comments:

Post a Comment

Lisensiya