--165--
ICATLONG ARAL.
Ay ang lubha ninyong napapagcamalan; ay ang i, at ang e, sampon nang o, at nang u, at sa pag sulat man at sa pangongosap man, ay inyong pinag papalit ngang ma-
--166--
ralas at siya ding iquinalalayong lubha nang pangongosap ninyo nang uicang castila, sa totoong catouiran; di ano pang catouiran con yaon ang magcapalit; di baquin ang pagcacalayo nang missa at nang mesa bago ang i at ang e, lamang ang caibhan; at ang pecar ay magcasala, at ang picar ay tomoca; ang pilar, ay haligui, at ang pelar ay homimolmol; ang Rey, ay Hari, at ang rie, ay tomaua, ang pesar ay pagsisisi; at ang pisar ay yumoyo; ang mia ay aquin; at ang mea ay mihi ay ang de vino, ay sa alac at nang alac caya; at ang divino, ay lubhang mahal na mahal, na ga sa P. Dios, na natatapat; quiso, ay nayag at ang queso, ay yaong quinacain nang castilang gatas na matigas etc. Ang piña ay bongang naaalaman ninyo; at ang peña, ay batong malaquing ibang bagay; ang rabear ay namamayipuy, at ang rabiar ay napopoot. Ay madla nga ang gangaito na inyong pinagcamamalan din bago sucat ding tomouid ang pangongosap ninyo nitong gangaito con ticsin ninyong pacamalasmasin ang caibhan; yayaman con ang e, ang natuturan ay ibinababa ang pangongosap, at ga doon na malapit sa golong golongan ang pagturing nito; datapoua,t, ang pag turing nang i, ay mariin at ga matigas na sa guitna nang bibig. Mag pacapilit nga cayong manga samang mag tanda nito, at lalo din cayong manga cantores, at nang dili na ang uica ninyo,y, Patrim, condi Patrem; at dili naman deis, condi dies illas dies irae, etc.
Ay ang sabihin pa,y, ang o, at ang u, condi ang liuag matotohan ninyo; at ang o, ay guinagauan u, bago sucat ding matotohan con tandaan itong aral co, na con ang o, ang toran ay bocin ninyo ang bibig; at con ang u, ay iquipot ang bibig at tiponin ang ngoso. Di baquin ang cobre ay tanso, at ang cubre ay mag taquip. Caya nga, cubrelo ay tacpan mo; ang podré, ay nana; bago itong uicang pudre ay rurug. Caya nga, ya se pudre, ay marurug na. Ang mudo ay pipi, at ang modo ay pagca anyo nang balang na, at ang muro ay ang bacod na bato ng Bayan at ang moro ay ang campong ni Mahoma para nating manga moros sa ona; bago inyong pinaghahalohalo din itong apat na uica. Ang puro, ay ang ualan halo caya nga vino puro, ay alac na ualan tubigtubig; bago ang poro ay ibang lubha, at ang pudo ay iba naman, caya nga ang uica, ay
--167--
macapangosap, ay pudo hablar, nakalacad, pudo andar, nacasulat, pudo escribir, nacacain, pudo comer etc., at iba naman dito sa tatlo ang perro, iba naman ang uso, at iba ang oso; iba ang usado, at iba ang osado. Cailan baga maoobas ang gangaito na ang o, at ang u, ang iquinapaguiguing iba.
Nauna (164-165: Kab2.Aral2)
No comments:
Post a Comment