Ano ang simulation?Ang simulation (sim) ay paraan ng pag-unawa sa daigdig sa pamamagitan ng paglikha ng isang simpleng modelo ng isang
complex na (pinag-aaralang) istruktura o sistema. (Gilbert & Troitzsch, 2005).
Ang mungkahing proyektong ito ay layuning gumawa ng isang simulated na estudyante upang magamit sa sumusunod na paraan.
Ano ang simulated na estudyante?Ang simulated na estudyante ay sistemang
machine learning na ang asal (
behavior) is umaayon sa datos na mula sa mga taong estudyante. Magagamit ito:
- ng mga guro sa pagsasanay ng kanilang kakayanan sa pagtuturo.
- bilang katuwang na mag-aaral na may kakayanang maging baguhan at eksperto depende sa pangangailangan.
- ng mga nagdidisenyo ng instruksiyon sa pagsubok ng kanilang instruksiyon. (VanLehn, Ohlsson, & Nason, 1994)
May pananaliksik na hinggil sa tatlong paggamit na ito.
Simulated na estudyante para sa pagsasanay ng guroInulat nina Zibit at Gibson ang kanilang proyektong
simSchool na ang adhikain ay magsanay ng mga baguhang guro sa pagtuturo ng ika-7 at ika-12 antas na mag-aaral (2005).
Simulated na estudyante bilang katuwang na mag-aaralLumikha si Vizcaino ng simulated na estudyante na kayang makipag-chat sa dalawang taong mag-aaral. Pinag-aral niya ang mga ito ng pagpoprogram ng kompyuter. Sa simula ay hindi ipinaalam sa mga taong mag-aaral kung sino ang sim na estudyante. Ang sinasabi ng sim na estudyante ay hinahango sa isang datosan (
database) sa halip na gumagamit ng
natural language processing (NLP). Ninais nilang lumahok ang sim na estudyante sa talakayan upang malutas ang problema ng malayo-sa-usapang talakayan, estudyanteng pasibo, at mga problema na may kinalaman sa pag-aaral ng mga estudyante(2005).
Simulated estudyante para sa pagdisenyo ng instruksiyonGumawa naman si Mertz ng
Soar na sim na estudyante. Ang Soar ay isang
cognitive architecture na magagamit sa paglikha ng simulated na isip. Sinanay niya ang sim sa paglikha ng circuit board. Inulit-ulit ang pagsasanay, at sa bawat ulit ay pinauunlad ang aralin hanggang mas magaling matuto ang sim na estudyante. Samakatuwid mas mahusay ang aralin sa bawat ulit (1997).
Pinatutunayan ng mga pananaliksik na ito na hindi na science fiction ang ideya ng sim na estudyante. Kapag nakagawa tayo nito ay makapag-eeksperimento na tayo sa pagtuturo nang hindi nababagot ang kalahok sa pananaliksik. Maaari rin natin ipalimot sa sim ang natutunan at magsimula muli. Magkagayunman, kapag natukoy na natin ang kombinasyon ng mga paktor na kailangan sa pagtuturo kailangan pa rin itong berepikahin sa tunay na tao.
Sanggunian:
Gilbert, N., & Troitzsch, K.G. (2005).
Simulation for social scientist. (2nd ed.). England: Open University.
Mertz, J.S. (1997). Using a simulated student for instructional design.
International Journal of Artificial Intelligence in Education, 8, 116-141 [Electronic version]. Kinuha noong Agosto 7, 2009, mula sa
http://hal.archives-ouvertes.fr/docs/00/19/73/84/PDF/mertz97.pdf.
VanLehn, K., Ohlsson, S. & Nason, R. (1994). Applications of simulated students: an exploration.
Journal of Artificial Intelligence in Education, 5(2), 135-175. Kinuha noong Agosto 8, 2009, mula sa
http://citeseerx.ist.psu.edu/viewdoc/download;jsessionid=2850F00F49F6DCE6F5E8F657D6EAE9C6?doi=10.1.1.4.6200&rep=rep1&type=pdf .
Vizcaino, A. (2005). A simulated student can improve collaborative learning. International Journal of Artificial Intelligence in Education, 15, 3-40 [Electronic version]. Kinuha noong Agosto 7, 2009, mula sa
http://ihelp.usask.ca/iaied/ijaied/members05/archive/Vol_15/Vizcaino/Vizcaino05.pdf.
Zibit, M., & Gibson, D. (2005). simSchool: The game of teaching. Innovate, 1 (6). Kinuha noong Agosto 17, 2009, mula sa
http://www.innovateonline.info/index.php?view=article&id=173.