Monday, October 12, 2009

Diksiyunaryo ng wikang Tagalog na nakabatay sa kasaysayan ng wika

Marami nang diksiyunaryo/talasalitaan ang lumabas. Ang problema dito ay inilaglag nila ang maraming salita mula sa mga naunang diksiyunaryo. Para sa isang mananaliksik ng kasaysayan ito ay nakakalungkot. Hindi ko magamit ang mga diksiyunaryong ito sa pag-alam kung paano nagbago ang kahulugan at paggamit ng isang salita. Maging ang UP Diksiyonaryong Filipino (2001) ay naglaglag ng mga salita na makikita lamang sa Vocabulario dela Lengua Tagala (1754) nina Noceda at SanLucar.

Layon ng proyektong ito na lumikha ng diksiyunaryo na semantikong wiki, na naglalaman lahat ng tala ng lahat ng diksiyunaryong Tagalog na lumabas simula sa talasalitaan ng Librong Pag-aaralan nang mga Tagalog nang Uicang Castila (1610) ni Tomas Pinpin hanggang sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano Laktaw.

Napakahalaga ng proyektong ito, harinawa ay may magkainteres na lumahok sa pagsasakatuparan nito. Unang hakbang na kailangang gawin ay kilalanin ang lahat ng diksiyunaryong tagalog at bigyan ito ng code. Magandang panimula dito ang artikulo ni Antoon Postma: http://pinagpala.googlepages.com/Vocabularios.pdf. Ani nga ni Postma sa katapusan ng artikulong ito:

These Vocabularios should be better made available by (re)printing them in a more readable script, accompanied by critical comments, cross-referencing them to other Vocabularios, to bring out the historic and linguistic values and information they contain (2001).
Sanggunian:

Postma, A. (2001). Tagalog Vocabularios. Kinuha noong Oktubre 19, 2009, mula sa http://pinagpala.googlepages.com/Vocabularios.pdf

No comments:

Post a Comment

Lisensiya