Monday, October 12, 2009

Implementasyon ng Sistema ng Pagsusulat ng Baybayin

Ang implementasyon ng sistema ng pagsusulat o sa Ingles ay writing system implementation (WSI) ay isang set ng mga piyesa ng software na naggagawad sa sa tagagamit ng kompyuter ng kakayahang magproseso ng datos na teksto sa isang sulat at wika; nagagawa nito halimbawa na magpasok ng datos sa pamamagitan ng keyboard at maipakita ang datos sa iskrin. (Gaultney & Lyons, 2003)

Ang pinakapayak ng modelo ng WSI ay:

Keyboard-> Code -> Glyph


Tatlong bagay ang kailangan para maipatupad ang WSI ng Baybayin. Una ang keyboard. Maaari namang gamitin ang karaniwang keyboard kailangan lamang palitan ang mapping ng key sa code. Ang susunod ay code. Mayroon na nito ang baybayin sa ilalim ng Unicode na ang range ay 1700-171F. Matatagpuan dito ang dokumento: http://www.unicode.org/charts/PDF/U1700.pdf. Ang pangatlo ay ang glyph. Marami nang libreng font ang lumabas na kayang magrender ng baybayin sa range ng unicode na nabanggit. Pangunahin na dito ang mga font ni Paul Morrow dito: http://www.mts.net/~pmorrow/fonts.htm. Ang tanging problema sa mga font na ito ay dinaya nito ang rendering ng Latin range upang magamit ang Latin keymap sa pagteteklado ng Baybayin nang hindi na gumagawa ng bagong keymap.

Ang keymap ay ang keyboard->code na kombinasyon. Halimbawa ang maliit na titik "a" sa Latin ay may code na 0061. Kaya "key a" ->0061->a glyph. Ang ginawa sa font ni Morrow ay:

"key a" -> 0061 -> a na baybayin
walang key -> 1700 -> a na baybayin


Sa madaling salita tanging ang glyph ang pinalitan nila. Hindi ka makakapag-type ng key na may unicode na baybayin. Okey lamang ito kung tao lamang ang babasa ng teksto, pero kapag makina na ang nagproseso, malilito ang makina.

Ang kulang sa WSI ng baybayin ay ang keymap. Gumawa ako ng keymap para sa Yudit na text editor. Subali't ang keymap na ito ay gagana lamang sa loob ng yudit at hindi sa operating system. Ang kailangan ngayon ay baybayin keymap para sa operating system tulad ng GNU/Linux.

Btw. Kung nakapaginstall na kayo ng baybayin font, maaarin ninyong testingin ang pagrender nito sa
http://www.alanwood.net/unicode/tagalog.html.

Sanggunian:

Gaultney, V., & Lyons, M. (2003). Guidelines for writing system support: Components of a Writing System Implementation. Kinuha noong Oktubre 12, 2009, mula sa http://scripts.sil.org/cms/SCRIPTs/page.php?site_id=nrsi&item_id=WSI_Guidelines_Sec_1.

1 comment:

  1. Hi!

    Just found your entry via Google search today, I am happy to announce that we now have a Baybayin Keyboard Layout for both Microsoft® Windows and GNU/Linux.

    You can get it here: http://laibcoms.com/sandbox/the-philippines-national-keyboard-layout

    PS
    The layout has been patched to X-Config Keyboard, it will soon become available on all GNU/Linux distros. ^_^

    ReplyDelete

Lisensiya